"Teka, saan mo ako dadalhin?" Natatarantang sabi ni Adella, habang hila-hila siya ni Apollo patungo sa kotse nito. "Bitawan mo ako!" Pilit pa rin siyang nagpupugmiglas mula sa pagkakahawak nito. "C'mon, shut-up. Hindi naman kita kikidnap-in," anito sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Pero nagmatigas siya at hindi pumasok sa kotse. "Hindi ako sasakay diyan," aniya at inirapan si Apollo. Nakita niya ang pag-kunot ng noo nito at halos mapasigaw siya nang bigla siya nitong binuhat at pabalibag na pinasok sa kotse. "Darn!" hindi mapigilang sabi niya. Nakakarami na talaga ang lalaking ito sa kanya, aba at hindi pa nakuntento sa panggugulo nito sa may yate, ngayon at basta-basta na lang siya nitong dinampot sa opisina niya. "Saan mo ba kasi ako dadalhin, huh?" "Somewhere, 'yung malayo sa D

