Kinabahan si Adella, nang lumapit sa kanya si Apollo. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Bakit kahit apat na taon na ang lumipas ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya? "Kung isa ka palang La Gresa, anong ginawa mo sa dalawang milyon na kinuha mo sa pamilya ko? " Puno ng galit ang tinig nito. Hindi na siya nabigla, kasinungalingan kasi ang sinabi ni Althea rito. "Let me explain, first-" "Shut up!" Mariin nitong sabi. Malapit na malapit sila sa isa't isa. "I don't need your damn explanation. I won't let my self be fooled again." Base sa nakikita niyang galit sa mukha ng kaharap, alam niyang sarado na ang isip nito sa mga paliwanag na sasabihin niya. Masyado na itong nalason sa kung ano ang pinapaniwalaan nito sa nakalipas na taon. Sa kabilang banda, gusto n

