"E Ma'am, bumili lang po ako ng ice cream eh, pagbalik ko wala na po siya sa table niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Gina nang itanong niya rito si Apollo. Iniwanan niya ang mga ito sa table dahil may bibilhin lang siya sa loob ng super market. Halos mahimatay siya sa sinabi ni Gina. "Ate Gina naman eh, Diyos ko saan natin hahanapan ang anak ko?" Taranta niyang sabi at naglakad-lakad sa mall na iyon. Alam niyang hindi pa nakakalayo ang anak niya dahil hindi naman nito alam ang palabas ng mall. Naglakad-lakad sila at hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag may nangyaring masama sa anak niya. Ayaw niyang isipin na may dumukot sa anak niya, naalala niya tuloy ang laging bilin ng Ama niya na huwag maglalabas kasama si Atlas lalo na at kilala a

