Isang suntok ang pinakawalan ni Apollo nang makita si Rigel. Pero buti na lang at nakailag ang huli. Nasa plantasyon sila ngayon at ngayon lang din nagpakita si Rigel sa kanya. Malamang sa malamang pinalamig nito ang ulo niya, the hell! Hangang ngayon nga ay mainit na mainit pa rin ang ulo niya sa mga natuklasan niya sa mga nakalipas na araw. "Whoa! Easy bro," ani Rigel na ngumisi pa at tila hindi alintana ang galit sa mukha ng kaibigan. Kung tinamaan siya sa suntok ni Apollo, sure ball na mamaga ang kabilang bahagi ng mukha niya. "Easy? How dare you! Wala ka bang balak na sabihin sa akin na pinsan mo si Adella at may anak kami?! You're a f*****g asshole!" Gigil na gigil na sabi ni Apollo sa kaibigan. Naramdaman na lamang niyang tinapik ni Rom ang balikat niya. "Wala namang magagawa an

