"Are you sure? hindi ko na kailangang sumama sa'yo roon?" Tanong ni David nang sabihin niya rito na gustong makipagkita ni Apollo upang pag-usapan ang tungkol kay Atlas. Ayaw na niyang istorbohin pa si David, dahil alam niyang may mga naka-sched itong operasyon ng mga pasyente. Sila na lamang dapat ni Apollo ang aayos sa problema nila. "Ako na lang ang pupunta. Problema namin itong dalawa, do you trust me?" Malumanay niyang tanong sa nobyo. Nakita niya ang pag-ngiti nito. "Ofcourse I do. Pero wala akong tiwala kay Apollo." "Honey, si Atlas lamang ang pag-uusapan namin doon at wala ng iba. Huwag kang mag-alala, sa'yo pa rin ako babalik." Itinaas pa niya ang kamay upang ipakita ang engagement ring nila na nasa daliri niya. Natawa si David at niyakap niya. "I never trust anyone in my lif

