LMB 16

1297 Words
Kasalukuyang silang nakasakay ni Zac sa speed boat nito, papunta na sila sa Pearl island. Nakaupo lang sya sa gilid, habang nakamasid sa napakagandang tanawin na pupuntahan nila. Habang si Zac naman ay ang nagmamaneho. Nang tuluyan na silang nakarating sa isla, agad syang nakadama ng sobrang pagkamangha sa lugar. Wala pa talagang kahit na kung ano’t- anong structure sa lugar pero, napansin nya na tila nagsimula na ang construction ng lugar, kanina napansin nya sa daraanan nila na nakita nya ang logo ng BridgeStone Construction Company, ang kompanya pala na pinagtatrabahuan ni Jack ang nakakuha ng bidding para sa project. Agad syang tinulungan ni Zac para makababa. Nang tuluyan na syang nakababa, agad inayos nito ang speed boat. White sand ang isla at mukhang kasing ganda din ito ng hidden pearl pag tuluyan ng matapos ang renovation nito. “Nasa kabilang bahagi ang cabin ni Zandro at ang cottages ng mga tauhan nya. Nandun din ang barn. Hindi mo makikita dito, pero ipapasyal kita doon.” Nakangiting sabi nito ng nakalapit ito sa kanya muli. Tinahak nila ang daan patungo sa nakita nyang maliit na bungalow house. Nasa tabing dagat ito at mukhang modern Spanish ang theme ng bahay. Maganda ang materyales na ginamit, napansin nya na ginamitan ng Ebony wood ang ilang bahagi ng bahay. May munting hagdanan patungo sa beranda nito. Pagkatapos ilapag ni Zac ang mga dala nito. binuksan na nito ang pinto. “Walang kuryente dito, we use solar energy in the morning at generator at night. ” Sabi nito ng tuluyan na silang nakapasok sa loob. Kaya pala madami syang nakita na parang mga makina. Pinatatakbo pala ng iba’t- ibang makina ang araw- araw na gawain ng isla. “ Zandro ang I plan to keep that way. But there is one thing good, dahil sa cell site na bagong tayo na medyo malapit lang dito, assessible na ang internet dito. The truth may sariling internet na dito kaya hindi kana mababagot dito.” Hindi sya nagsasalita, wala naman syang sasabihin. Kaswal nya itong nginitian. “This is your room.” Nakangiting sabi nito habang binuksan ang isang kwarto. Mixed emotion ang nadarama nya ng nakita ang loob ng kwarto, para kasing personalized itong pinagawa para sa kanya. Kulay blue ang halos lahat ng gamit, katulad ng room nya sa bahay nila at sa condo nya, at kahit nung sa apartment nila ni Zac. May wall cover pa na si Pooh. Favorite pa naman nya si Pooh. Dalawa lang ang kwarto sa bungalow house na ito. May hindi gaanong kalaki na sala at may dining. Ang kwarto naman nya ay sariling restroom at shower area. Halos dalawang araw na sila na nasa isla. Kahapon ipinasyal sya nito, habang sinasabi nito ang bawat plano nito sa bawat sulok ng isla. Magkahawak kamay pa sila nito na tila magsyota na nagde-date lang. “That’s good!” nakangiting sabi nito habang ipinakita nya ang draft design nya para sa planong clubhouse nito. Kasalukuyan silang nasa sala, nakaupo sya paharap sa isang maliit na mesa, habang nasa likuran naman nya ito at nakatukod ang dalawang kamay sa mesa, nakatunghay ito sa monitor ng laptop nya. “If you like it—I will follow the hvac design.” Mataman napatitig ito sa laptop nya, mas pinili nyang sa autocad muna gawin ang unang plano. Mamaya na nya ito iguhit sa blueprint ‘pag ma-approve na nito ang design nya. “I think this part here will be like this—“ saka inilapit nito ang isang kamay sa kursor ng laptop nya, may ginawa ito sa isang bahagi ng design nya, sa bubong na bahagi. Nagustuhan naman nya ang ginawa nito. “So, it’s okay then?” paniniguro nya. “Yes.” Saka hinila nito ang isang upuan at tumabi sa kanya. Napasinghap sya ng inakbay nito ang braso nito sa balikat nya. Napalingon sya sa gawi nito at tila nag-aakit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. “Zac—“ sambit nya sa pangalan nito. “Bakit?” nanghalina ang boses nito. Binawi nya ang paningin mula dito. Kinalma nya ang sarili. Sobrang lapit kasi ng katawan nito sa katawan nya. “A-Ah! Sobrang bigat ng braso mo—“ kailangan nang lumayo nito dahil nagwawala na naman ang kanyang puso. “Ganun ba?” tila nanghahalina talaga ang boses nito. “May gagawin ka pa ba?” “Ah.” She exhaled. “Oo.” Nagwawala na talaga ang puso nya. Para sa nakukuryente pero masarap sa pakiramdam. “Mamaya na yang gagawin mo.” napasinghap na naman sya, kasi inilapit pa naman nito ang bibig nito tainga nya saka para lang bulong ang boses nito. Tila nakikiliti sya sa pagdampi ng hininga nito sa leeg nya. “Hindi naman kita minamadali. How about manood muna tayo ng movie.” Napatingin sya bigla dito. At muntikang ng nalapat ang labi nya sa labi nito. Dahil napakalapit pala ng bibig nito sa tainga nya. Hindi sya makakilos, parang na-estatuwa nya. Hindi din nagawang ilayo nito ang mukha sa mukha nya. Nakatingin sya nito. Palipat- lipat ang paningin nito sa mata nya at sa labi nya. Tila hindi din Ito mapakali. Kinalma nya ang sarili. Dapat hindi sya magpadala ng damdamin nya dito. “Mabuti pa nga.” Kaswal na sabi nya saka bumaling mquli sa monitor ng kanyang laptop. Ini-off nya ang laptop nya. Nagpasiuna na itong tumayo. Hindi sya mapatingin dito kaya hindi nya alam kung ano ang ekpresyong ng mukha nito. Tumayo narin sya saka lumingon, muntikan na tuloy nabangga ang mukha nya sa nakahubad na malapad na dibdib ni Zac. Nanlaki ang mga mata nya sandali, saka pabigla syang napatalikod dito. Nag-iinit yata ang pakiramdam nya ng natignan ang almost perfect na dibdib nito. “A-Anong ginawa mo?” kinakabahan nyang tanong. Dahil sa hindi sya nakatingin dito, kaya hindi nya alam na hinubad pala nito ang suot nitong T-shirt. “Bakit? Naiinitan kasi ako.” tila may lambing pa ang nagtatakang boses nito. “Diba, lagi naman akong ganito noon. Hinimas- himas mo nga ang dibdib ko noon, sabay sabing ang macho ng bestfriend ko.” nag- init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Napalunok sya ng wala sa oras. “Ah noon yon.” Lord, anong klasing emotional torture ito? Bakit ba affected na affected ako. Please, ibalik nyo na ako sa normal na Loraine. “Iba na ngayon.” kaswal na sabi nya dito. “Anong pagkakaiba, Loraine?” buo ang boses na tanong nito sa kanya. Hindi parin sya makatingin dito. “Dahil ba, sa tingin mo magkaiba na tayo ngayon.” tila may pait ang boses nito. “Zac---ano. Hindi sa ganun.” “Then look at me.” Tila may pag-uutos pa ito. “Look at me the same way as before.” Kinalma nya ang sarili. Sana kaya ko. Saka sya humarap dito. Buti nalang hindi ang nag-aakit na Zac ang sumalubong sa paningin nya kundi ang salubong na kilay na Zac. Bago pa nya natapos kalmahin ang nagwawalang katinuan, hindi na naman nya na pagilan ang sarili at hinagod nya ng tingin ang almost perfect na katawan nito. Lihim tuloy nyang naitanong kung saan ang hangganan ng mumunting balahibo nito sa katawan, napalunok sya ng lihim. Saka pabigla syang nag-angat ng mukha dito at hindi nakatakas sa paningin nya ang pilyong pangiti nito. Lord, bakit mo ba ako biniyayaan ng sobrang guapo at machong kaibigan. Hindi ko tuloy kayang e-resist ang charm nito. “Okay lang sa akin kung gusto mong himasin.” Nakangiting sabi nito. “Ha”. She exhaled. “Hindi na! Manood nalang tayo ng movie.” Pinilit nyang maging kaswal ang boses. Pangiti- ngiti pa ito. - - May dalawang chapter pa mamaya, maglalaba muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD