LMB 17

959 Words
Napatingin sya sa wall clock, it’s almost 8:00 pm na pala. Naiinitan pa ito ang lamig naman ng panahon. “Zac—baka malamigan ka at mananakit ang tiyan mo.” Paraan nya ito para iparating dito na kailangan magsuot ng T- shirt at baka ma- r**e nya ito ng wala sa oras. Magkatabi silang naupo nito at nakakailang ang hitsura nito na topless, dahil yon mga muscle nito sa katawan ay parang umaakit sa kanya. Natakam tuloy sya sa pandesal. “Hindi uso sa akin yan.” Nakangiting sabi nito saka nagsalang na ng panoorin nila. Napansin nya na isa na naman documentative movie ang isinalang nito. Talagang ito ang hilig na movie nito, habang sya laging nakakatulog pag nanonood sila ng mga ganito. Well, kakargahin naman sya nito para maipasok sa kanyang kwarto at ilalapag sya nito sa kanyang kama, ang nakapagtataka lang, lagi kasi nyang napaginipan noon na parang hinahalikan sya nito. Grabe, pag makatulog ba sya ngayon, ganun parin kaya ang gagawin nito? Napaginipan parin kaya nya na hinalikan sya nito? Bahagya syang napailing. Kung ano't- ano ang iniisip nya. “Lumapit ka nga sa akin.” Tila may lambing pa sa boses nito. “Bakit ba ang layo mo sa akin?” Malayo nga sya dito. Pwede pa kasing upuan ng dalawang tao ang pagitang nila. “H-Ha?” kinalma nya ang sarili. Mukha kasing inaakit sya nito. O talagang nakakaakit lang ito sa kanya. “G-Gusto ko ditong maupo.” taing naging sagot nya. “Okay.” Saka ito umisod na palapit sa kanya, kaya ngayon halos isang dangkal na ang pagitan nilang dalawa. Sobrang nerbiyos na talaga ang kanyang nadarama. Pasimple syang umisod palayo dito, ngunit napansin nito ang ginawa nya kaya umisod din ito palapit sa kanya, hanggang sa nakaabot na sya sa pinakagilid na bahagi ng sofa. Kinalma nya ang sarili, halos isang dangkal lang kasi ang agwat nilang dalawa, pa-alas kwatro pa itong nakaupo habang nakasandal sa backrest at itinaas nito ang magkabilang kamay sa ibabaw ng backrest ng sofa. Hindi tuloy nya magawang isandal ang katawan sa backrest kasi para na syang maakbayan na nito. Medyo nakaramdam na sya ng kunting inis sa ginawa nito. Kaya inis syang napalingon dito. At saktong nagkatama ang paningin nilang dalawa, at nag-aakit na naman ang mata nito habang nakangiti sa kanya. “Zac---“ pinanlakihan nya ito ng mga mata at hinaluan nya ng inis ang kanyang boses. “Bakit ba kasi gusto mong lumayo sa akin?” kunot- noo pa ito. “Samantalang noon, halos hindi na makadaan ang hangin sa sobrang lapit mo sa akin. Halos nga yakapin mo na ako.” malambing ngunit may halong pagtatampo ang boses nito. Pinaalala na naman nito sa kanya ang mga bagay- bagay noon, at ang nakakainis, hindi nya kayang ipaliwanag dito kung bakit hindi na sila pwede maging katulad ng dati. “Kasi—noon, meron kang damit, ngayon wala.” Hindi nya pinag- iisipan na sagot.Hindi nya alam kung matatawa ba sya dapat sa kanyang sinabi. He chuckled impishly. “Ilang beses mo nga ginawang unan ang dibdib ko noon kahit wala pa akong damit.” nag- init ang kanyang pisngi. Totoo naman iyon. Wala nga syang pakialam noon kahit lagi itong nagrereklamo sa mga pinanggagawa nya. Proud ngang sya sa isipin na sya lang ang nakakagawa ng mga ganun noon kay Zac. Na walang malisya dahil sya ang bestfriend nito at natural lang sa kanila ang mga bagay na yon. Hindi na nya makayanan ang kakaibang titig nito sa kanya. Kaya binawi nya ang paningin mula dito at pilit itinuon ang isip sa pinanood. Talagang naiilang sya kasi alam naman nyang may lihim itong pasulyap-sulyap sa kanya. Maya’t- maya lang naramdaman nya na parang inaantok na sya sa pinanood. “Gusto mo nang matulog?” puna nito sa kanya. “Oo.” Sagot nya. “Sige mauna na ako.” mabuti nang takasan na nya ito. Tatayo na sana sya pero pinigilan nito ang akma nyang pagtayo. Saka walang sabi-sabi na hinapit nito ang ulo nya pasandal sa balikat nito. “Zac—baka makatulog na ako.” walang lakas na reklamo nya dito. Paano kasi parang nanghihina na sya. “Ano naman ngayon? Alam mo naman ang mga ginagawa ko diba, ‘pag hindi sinasadyang nakatulog ka.” lambing nito sa kanya. “Diba, usapan natin noon, walang aalis hangga’t hindi pa tapos ang pinanood natin.” Mas pinili nyang wag nalang mag-react sa sinabi nito. Hinayaan nalang nya ang kasalukuyang sitwasyon. Sa totoo lang, sobrang namiss nya ang mga panahon na ganito lang sila ni Zac. Walang malisya. Wala syang pakialam kahit parang magkayakap na sila. Gusto na yata nyang maiyak sa isipin na sobrang namiss nya ang mga panahon na magkasama sila ni Zac. Kung sana, hindi nagbago ang t***k ng kanyang puso para dito. Masaya pa sana silang dalawa ngayon na parang katulad lang ng dati. Sa isipin yon, hindi nya tuloy napigilan ang sarili na tuluyan lamunin ng antok. ------- “Hi Goodmorning.” Nakangiting bati sa kanya ni Zac kinaumagahan,kasalukuyan itong nagluluto ng breakfast nila. Wala sa loob na kunot- noo syang napatitig dito. “May gusto kang sabihin sa akin?” puna nito sa kanya. Nakangiti pa ito. “Wala.” Mas pinili nyang wag sabihin dito ang ikinakunot- noo nya. “Akala ko sabihin mo sa akin na napaginipan mo na naman na hinalikan kita kagabi.” Ang lapad ng ngiti nito. Awang labi syang nakatingin dito. Napunto kasi nito ang totoo. Napaginipan na naman kasi nya na hinalikan na naman sya nito kagabi. O sadyang hinalikan talaga sya nito. Pero, bakit naman sya hahalikan nito?Na- stress na talaga sya sa nadarama nya. Nakaka- depress mainlove sa isang matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD