Itinodo na talaga nya ang pagbait- baitan nya kay Nathan, dahil muli nya itong binisita ngayon. Ngayon naman ay dinalhan nya ito cake na inorder nya sa antie nito na mommy ni Babe, pero hindi nya sinabi dito. Magkaharap silang naupo sa garden set na nasa beranda ng bahay. May plano kasi syang ma-achieve sa araw na ‘to. “Nakakapanibago kana ha!” nakangiting sabi sa kanya ni Nathan. “Talaga bang ganito na ako kahalaga sayo?” “Oo naman.” Pilit na sagot nya. Pero lihim na nagngitngit ang kanyang isip. “Wow—hindi ako makapaniwala. Sabihin mo nga sa akin, may crush kaba sa akin?” Bweset talaga ito! Sabi nila, matagal mamatay ang masamang d**o, bakit ang Nathan na to ay kukunin agad ni Lord? “Ikaw naman.” Hinaluan pa nya ng lambing ang boses. “Wag ka ngang mag-isip-isip ng kung ano’t ano

