Lihim na nainis si Loraine, kung kailan nagmamadali sya saka pa sya nasiraan ng sasakyan. Bakit ba naman kasi na-flat pa ang dalawang gulong nito. Buti nalang malapit sa isang car shop sya nasiraan at nahila agad ang kanyang kotse, ang problema aabutin pa ng halos isang oras bago nya ito pwedeng gamitin. 6:30 ang usapan nila ni Zac na magkikita sa Dominicos, isa itong pormal restaurant na para sa mga business meetings. Well, talagang tungkol naman sa Pearl Island Project ang pag-uusapan nila.
Gusto nalang sana nyang sumakay ng taxi, ang problema ay umuulan at sadyang lalakarin pa nya ang sakayan ng taxi, wala pa naman syang dalang payong. Hindi din nya alam ang phone number ni Zac kaya hindi nya ito matawagan. Napatingin sya sa wrist watch nya, it’s already 5:55 pm.Lumo syang napaisip kung ano ang gagawin ng may nagsalita sa pangalan nya.
“Loraine—sabi ko na nga ba, ikaw yan?” nakangiting sabi ng isang guapong mestizong lalaki sa kanya. Tumitig sya dito, siniguro kung ito nga si---
“Jack?” paniniguro nya.
“Yes. Wow, long time no see.” Nakangiting sabi nito.
‘Yah! You right.”
-------
Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse ni Jack, sa pag-uusap nila kanina, napag-alaman nito na papunta pala sya ng Dominicos, kung saan doon din ito pupunta, may business meeting din daw ito sa isang client.
“I am working now as Designer 2 at HardRock Architectural Firm.” Kwento nya dito. Sadyang madaldal talaga sya. “How about you?”
“That’s good!” nakangiting sabi nito sa kanya. “I am a Civil Engineer at sa BridgeStone Construction Company ako nagtatrabaho."
“Really? Bakit hindi yata kita nakita doon? O nakasama kalang naman sa isang project?” madalas kasi ang BridgeStone ang partner ng HardRock sa mga project nito, ito din kasi ang madalas nilang e-recommend sa mga kanilang mga client.
“Kababalik ko lang kasi dito sa Pilipinas, 4 months passed pa. Galing ako sa Macau.” Nakangiting sabi nito. “I hope someday, magkasama tayo sa isang project.”
“Hopefully.” Hindi na lumulundag- lundag ang puso nya dito. Mula nung nangyari sa Pavilion Garden, hindi na sya nakipagkita dito. Napag-alaman din naman nya na nagkarelasyon din ito at si Trixie. “ By the way, kumusta na kayo ni Trixie?” hindi nya napigilan itanong dito.
Biglang nabago ang ekspresyong ng mukha nito.
“She’s now happily married with 2 children.”
“Sorry to hear that!” mukhang hindi pa ito masyadong naka- move on.
“It’s okay.” Nakangiting sabi nito. “How about you and Zac?”
“We’re still friends!” matipid na sagot nya. Hindi na nya ito pwedeng ariin na bestfriend nya dahil sa mga nangyayari.
----
Nagkangitian pa sila ni Jack habang papasok sa pinto ng Dominicos, saka hinanap ng mga mata nya si Zac, sakto naman sumalubong sa paningin nya ang salubong na kilay na si Zac habang nakatingin sa kanila ni Jack. Nakangiti pa sa kanya si Jack habang nagpaalam ito, lalapitan na kasi nito ang kausap nito. Sya naman ay humakbang palapit kay Zac. Umupo sya paharap dito, ang likod nya ay isang glass wall.
“You’re 10 minutes late.” Agad na sabi nito nang tuluyan na syang nakaupo. Mukhang napakaguapo nito ngayon sa suot nito. Well, nagpakaganda naman sya ng kunti kahit papaano.
“I’m sorry kasi-----“
“At bakit na naman kayo magkasama ng lalaking yon?” putol nito sa akmang pagpapaliwanag nya. Naalala pa pala nito si Jack.
“Nagkita kami sa isang car shop.” Kinalma nya ang sarili at pinilit maging kaswal lang ang lahat.
“Car shop?” kunot- noo ito.
“Nasiraan kasi ako ng kotse and since papunta sya dito kaya su-----“
“Nasiraan ka? Why you didn’t call me?” putol na naman nito sa sasabihin nya.
“How can I call you?” paalala nya dito na wala syang numero nito.
“Oh I see.” Tila may kakaiba sa mga tingin na iniukol nito sa kanya. “Tuluyan mo na nga palang tinapos ang communication nating dalawa.” Tila may panunumbat pa ang boses nito.
She exhaled. Kailangan hindi sya madadala sa mga sinasabi nito. Dapat maibalik nya ang sarili sa normal na sya, hindi itong abnormal na sya.
Hindi sya sumagot. Kaswal nya itong tinignan. Hindi sya nagpakita ng kahit anong emosyon. Sinalubong nya ang kakaibang titig nito.
Maya’t- maya lumapit sa kanila ang isang waiter para kunin ang mga order nila. Pagkatapos kunin nito ang order nila, nagsalubong ang mga paningin nila ni Jack, ngumiti ito sa kanya ng napakatamis- tamis, kaya nginitian din nya ito ng napakatamis- tamis din. Saka sya napatingin kay Zac, nakita nya ng pagkakunot- noo nito.
“Ang silaw dito---“ ani nito. “Palit kaya tayo ng pwesto.”
“Ha?”
“Sabi ko palit tayo ng pwesto kasi sumasakit ang mata ko dito, nasisilaw ako sa iba’t- ibang liwanag mula sa labas.” Kaswal na ulit nito sa sinabi nito.
“Okay.” Saka sya tumayo. Tumayo din ito.
Ngunit ng akmang lampasan na nya ito ay sa dadaanan naman nya ito planong dumaan, hanggang sa palipat- lipat sila sa kaliwa’t kanan bahagi. Para tuloy silang naghaharangan. Pilyo pang nakatingin sa kanya si Zac.
“Mauna kana.” Tila may lambing pa ang boses nito.
“Okay. Sa kaliwa ako dadaan.” Sabi nya habang kinalma ang sarili. Nakangiti kasi ito sa kanya. Tila nang-aakit pa naman ang ngiti nito sa kanya.
“Okay.”
Sa wakas pareho na silang nakaupo uli, palit na sila ng pwesto. Ito na ngayon ang nakatalikod sa glass wall habang sya na naman ang nakaharap.
Hindi naman masakit sa mata, ah! Wala naman nakakasilaw dito. Saan kaya ito nasilaw?
Maya’t maya lang dumating na ang waiter, dala na ang order nila. Nang tuluyan ng ilapag ng waiter ang order nila sa mesa. Pareho na silang nagsimulang kumain. Kinalma na naman nya ang sarili. Kasi habang kumakain sila, titig na titig kasi ito sa kanya. Saan na kaya ang normal na Zac? Bakit naging abnormal na ito mula nang bumalik ito galing sa state? Pati din sya naging abnormal na.
“Ah Zac—diba mag-uusap tayo ngayon tungkol sa Pearl Island Project.” Paalala nya dito pagkatapos nilang kumain. Hindi kasi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. Dapat matapos na sila sa pag-uusapan nila, para malayasan na nya ito.
“Hindi ko kasi dala ang blueprint at plan board ko. Bakit kaya, hindi nalang tayo doon sa condo ko mag-usap?”
“Ha?” kinakabahan sya sa tanong nito.
“Pumunta nalang tayo sa condo ko, dahil doon makapag-usap pa tayo ng maayos.” Tila nang-aakit talaga ang boses nito at nakatitig talaga ito sa kanya. “Marami pa naman tayong pag-uusapan.” Tila makahulugang na sabi nito.
“A-Anong pag-uusapan natin?” kinakabahan na naman sya. Ayaw pa naman nyang pag-usapan nila ang mga bagay- bagay na nangyari sa loob ng halos apat na taon habang nasa state ito.
“Ang tungkol sa Pearl Island Project—“ sagot nito. Tila may kakaiba sa tingin na iniukol nito sa kanya. “Bakit may iba paba tayong dapat pag-usapan?”
“Wala.” Kinalma nya ang sarili at pilit na kinaswal ang boses. Dapat hindi nito mapansin ang panghihina nya.