Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse nito. Sa huli, napagpasyahan nyang sumama sa condo nito. Baka mahalata pa nito na masyado syang apektado dito? Dapat ipakita nya dito, na sya parin ang dating Loraine na hindi nag- iisip ng kahit anong malisya sa kanilang dalawa.
“Magseatbelt ka.” pautos na sambit nito pero parang napakalambing naman sa kanyang pandinig.
Lihim muna nyang pinagalitan ang sarili saka sya sinunod ang sinabi nito.
“Gusto mong makinig ng music?” maya’t- maya lang na tanong nito sa kanya
“Ha?” tulala na naman na sagot nya.
“Ako gusto ko kasing makinig ng music.” Sabi nito habang nakapokus sa pagmamaneho. “Mind if—“
“Okay lang.” Hindi na nya ito pinatapos sa sasabihin nito.
Inihinto nito ang kotse dahil sa traffic.
“Thanks.” Saka may isinalang ito na CD tape sa stereo ng kotse nito at agad syang napatingin kay Zac nang narinig ang kanta na pinatugtog nito. Nagkatama tuloy ang mga paningin kasi titig na titig pala ito sa kanya. Naiilang sya sa klase ng titig nito.
“Bakit? Diba, favorite mo yan.”
Parang gusto na yata nyang umiyak. Mas lalo kasi nyang na-realize kung gaano nya ito na- miss.
Bata pa lang sya ay lagi na silang magkasama nito kahit saan. Namulatan nyang kasama si Zac na para bang mula ng isinilang sya, kasama na nya ito.
Para silang itinali sa isa’t- isa na hindi mapaghihiwalay. At sa loob ng mahigit sa apat na taon na magkalayo sila nito ay parang naging bangungot iyon sa kanya. Pero kailangan nyang idistansya ang sarili mula dito. Hindi dapat malaman nito na mahal na nya ito higit sa isang kaibigan. Mahal na mahal.
Pinigilan nya ang sarili na madala sa emosyon nya.
“Oo. Pero tama ka, nakakasawa din ‘pag ulit- ulitin.” kinaswal nya ang boses.
Binawi nito ang paningin sa kanya. Saka nagpukos muli ito sa pagmamaneho.
“Paano yan, gusto ko kasing ulit- ulitin yang hanggang sa makarating tayo sa building ng condo ko.” tila kaswal lang na sabi nito. “May naalala lang kasi ako—nakakamiss lang.” may pait yata sa boses nito.
Awang labi sya nakatingin dito. Wala naman ekspresyong ang mukha nito. Nanlaki ang mga mata nya nang maya’t- maya lang sumabay ito sa kanya. At maganda naman talaga ang boses ng kaibigan.
I miss you Zac. I really really miss you Zac. Kahit ngayon nasa harapan kita. Miss na miss parin kita.
Nung umalis si Zac , tinupad nya ang pangako dito na ipagpatuloy nila ng komunikasyon nilang dalawa, pero unting- unti din nyang binawasan iyon, ang laging sinasabi nya dito ay naging sobrang busy na sya sa pag-aaral, which is malapit naman sa totoo. Pero may iba pa kasi syang dahilan, habang tumatagal kasi mas minahal nya ito ng higit pa sa isang kaibigan. Kailangan nyang maka- move- on sa damdamin nya dito. Nung grumadwet sya, at nagtake ng board exam, sinabi nya dito, hindi pa sya pwedeng sumunod dito dahil hindi sya nakapasa sa board exam kahit ang totoo, nakapasa naman talaga sya agad, pero nalaman din naman nito agad na nagsisinunggaling sya. Kaya nagalit ito sa kanya at medyo nag-away sila, hanggang sa tuluyan na nyang pinutol ang komunikasyon nila sa isa’t- isa.
Sa tingin nya sya ang sumira sa magandang pagkakaibigan nila ni Zac. Sya ang tumalikod dito dahil ayaw nyang mas mahulog pa dito. Pero, hindi naman sya nagtagumpay na kalimutan ang tunay nyang damdamin para sa matalik na kaibigan.
Napatulala si Loraine ng napatanto nya kung saan sila patungo ni Zac. Ito din kasi ang building ng condo nya.
“Zac!” hindi nya napigilan isambit ang pangalan nito. “Dito ka nakatira?”
“Oo.” Nakapasok na sila sa parking lot. “Bakit?”
“Wala.” Dapat hindi malaman nito na dito din sya nakatira.
Nang inihinto na nito ang kotse sa isang bahagi ng parking lot, agad naman silang lumabas mula sa kotse nito. Saka nila tinahak ang daan patungo sa elevator. Nang tuluyan na silang nakapasok sa elevator ay nanlaki na naman ang kanyang mga mata sa floor na pinindot nito, 10th floor, ito din ang floor kung nasaan ang unit nya.
“May problema ba?” napansin siguro nito na natetense sya. Kinalma na naman nya ang sarili. Anong klaseng torture naman itong nangyari sa kanya?
Iling lang ang naging sagot nya sa tanong ni Zac.
Mas lalo yata syang kinakabahan, kasi ang pasilyo na dinaanan nila ay patungo din kasi sa condo unit nya. At huminto pa talaga sa unit na katapat sa kanya.
“Alam mo maganda ang mga condo unit dito—“ nakangiting sabi nito, hindi nito tuluyan binuksan ang pinto. Natameme yata sya at hindi makapagsalita. Balik na naman sya sa abnormal na Loraine. “Alam mo ba maganda ang nakatira sa katapat ng unit ko.” sunod- sunod ang paglunok nya.
“Zac—a-alam mo bang dito ako nakatira?” hindi na nya mapigilan magtanong.
Pilyo itong ngumiti sa kanya. Saka pabiglang syang kinabig nito, and shoved her on the wall of the condo, iniharang ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nya. “Paano kung sabihin ko sayong Oo.” Tila nang-aakit na naman ang boses nito.
“B-Bakit ka di---“
Napalunok sya ng wala sa oras ng unting- unti inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Nang halos isang dangkal nalang ang agwat ng mga mukha nila, huminto din ito. “Lagi tayong magkasama, Lauren at hindi tayo mapaghihiwalay.” Tila bulong na sabi nito sa kanya. Sobrang nerbiyos ang nadarama nya.
Saka nakangiti itong inilayo ang sarili sa kanya. Bakit ba kakaibang Zac ang bumalik? Matamis na itong ngumiti sa kanya at tila hindi na laging galit.
At saka bakit parang inaakit sya nito? O baka naman talagang ganito na ito lagi, hindi lang nya napapansin kasi bestfriend pa ang tingin nya dito noon. O baka naman, hindi talaga sya inaakit nito, sadyang hulog na hulog lang sya dito kaya akala nya inaakit sya nito.
-------
Inilapag nito sa mesa ang blueprint ng pearl island na gawa nito. Magkatabi silang nakatayo at nakatingin sa blueprint.
“Dad, buy the Island 5 years ago. Nung nalaman ko na for sale pala ang katapat na island sa HPR, I asked dad to buy it for me.” Simula sa kwento nito. “The island is really mine—anyway my co-owner nga pala ako, si Zandro—my cousin husband.” So ito pala ang island na laging pinupuntahan ni Zandro at malamang ito din ang island kung saan nag-honeymoon sina Zandro at Mika. “60 % of its share is mine while the other 40% is in Zandro's name. Ang pokus ni Zandro ay ang riding club, kasi mas may alam sya sa mga kabayo kaysa akin. Alam mo naman siguro na nag-iisang anak sya ng may pinakamalaking rancho ng San Lazaro.” Napatango sya.
“From my parents inheritance—I will make this place something of what I imagine for.” Buo na sabi nito. “And I want you to do a great part. The most important one." Napalingon sya dito, nagkatama tuloy ang mga paningin nila, sa kanya kasi ito nakatingin.
“What part?” binawi nya ang tingin dito at kinaswal ang boses.
“Gusto ko ikaw ang magdedesign ng lahat na structure sa island, except na sa mga nakatayo na nandoon na, nasimulan nang ipatayo ni Zandro sa bahagi ng riding club. I want you to design the clubhouse, cottages, the 3-storey building, and even the vacation house, at lahat ng mga design mo ay bibigyan ko ng buhay. I will make sure that it will last very long enough hanggang sa pumuti na ang buhok natin pareho.” anito na parang may hidden meaning.
“B-Bakit ako Zac?”
“Nakalimutan mo na ba Loraine? Pangarap mo ito na naging pangarap ko narin.”
Parang gusto nya maiyak sa sinabi nito. Kung sya palang ang dating Lorainne, marami na syang request dito at ubod na sya ng demanding pero sa pagkakataon ito, hindi nya magawa dahil sa tingin nya may pader na sa pagitan nilang dalawa.