Kung totoo lang na nakakabulagta ang mga tingin nya, baka kanina pa bumulagta ang kaharap nya. Romantic pa ang setting ng sinasabi nitong dinner date nila. “Buti naman at pumunta ka.” Abot- tainga pa ang ngiti ng kasumpang- sumpang lalaki sa kanyang harapan.Tinaasan na naman nya ito ng kilay. “You are blackmailing me. Remember?” paalala nya dito sa ginawa nito sa kanya. Naikuyom nya ang kanyang palad na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Kung ako lang ang masusunod, ayaw na kitang makita. Ngunit mukhang wala lang dito ang sinabi nya, nakangiti parin kasi ito. “Paano yan, gustong- gusto kitang makita.” saka tinusok nito ng tinidor ang steak, at hiniwa iyon gamit ang pork knife. “---at ako pa naman ang masusunod dito.” kinuha nito ang nahiwa na steak na nakatusok sa tinidor at inilapit iyon

