MBE 12

1311 Words

Kasalukuyan syang nagflo-floating sa pool nila, nang napadilat sya bigla ng mga mata. Napansin kasi nya na may nakamasid sa kanya. Na-out of balance tuloy sya nang nakita ang nakakainis na lalaki na nakatitig sa kanya. “Careful!” sabi pa ng nakakainis na lalaki. “I don’t want to drown you baby.” Inis na tingin ang iniukol nya dito, saka sya lumangoy papunta sa gilid ng pool, sa kabilang bahagi ng kinatayuan nito. Agad syang umahon mula sa swimming pool at lumakad pa ng ilang hakbang papunta sa kung saan nya inilagay ang roba nya. Aware na aware naman sya na sinusundan sya ng tingin nito. Bastos talaga kahit kailan. “What are you doing here?” inis syang hinarap ito, habang isinusuot nya ang roba sa katawan nya. Humakbang naman ito palapit sa kanya. “Hindi na dito nakatira si Kuya Brat.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD