FMY 1

2819 Words
Inis na nakatingin ang 12 years old na si Alexa sa nagmamaneho sa kotse na si Adrian. Mula nung unang pagkikita nila nito ay talagang nainit na ang dugo nya dito. Kainis, mukhang kailangan na nyang turuan ang sarili na magustuhan ito kahit papaano. Balang araw kasi ay magiging ganap na nya itong pinsan. Ano nga ba ang pagkatao nya kaya nasabi nya na baka magiging pinsan din nya ito? Sya nga pala si Alexa Cecilia Jimenez. Lumaki sya sa medyo kakaiba na pamilya. Ang mama nya ay isang half- german. Wala syang kilala na kahit isa man sa kapamilya nito. Wala na daw kasi itong natitirang pamilya. Habang ang papa naman nya ay isang pure Pilipino at isa itong bakla, na pinanindigan kalaunan ang p*********i dahil sa nagkaroon ito ng anak at sya nga 'yon. Hindi sya laking mayaman, magkatuwang ang mga magulang nya sa maliit na sari-sari store lang ng mga ito na nasa palengke ng Marikina. Masasabi nyang parehong nagkaroon ng magandang genes ang mga magulang nya. Kaya, hindi maitatanggi ang pagkakaroon nya ng nakakabighaning kagandahan. Fair complexion at matangkad sya. Sampung taon sya ng inamin sa kanya ng mama nya, na may kapamilya pa pala ito na nandito sa San Bartolome. May ina pa ito at isang pinsan. Dahil sa malaking kasalanan na nagawa nito sa pinsan nito kaya hindi na ito nagpakita sa mga ito. Pinagsisihan daw nito ng sobra ang nangyari. Humingi naman daw ng tawad ang mama nya. At nagkapatawaran din naman ang mga ito. Pero, dahil sa sobrang guilt na nadarama kaya nagpakalayo- layo ang mama nya. At nagsimula uli ang mama nya ng panibagong buhay. Hanggang sa nakilala ng mama nya ang papa nya. Kahit pa sa katotohanan na bakla ang papa nya, hindi napigilan ng mama nya ang umibig dito. Hindi sinasadyang nabuntis ang mama nya dito. Kahit nabuo lang naman sya sa isang aksidente, pero naramdaman nya ang pagmamahal ng mga magulang nya sa kanya. Sa totoo lang, masayang- masaya nga sya na kasama ang mga ito. Pagkatapos aminin ng mama nya ang katotohanan sa pagkatao nito. Sinabi nito na handa na itong humarap uli sa mga taong nagawang nito ng kasalanan. Excited sya at makilala na nya ang kapamilya nito. Pero, bago nangyari iyon, sabay na namatay ang mga magulang nya isang aksidente. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay. Naiwan sya sa pangangalaga ng antie nya na kapatid ng papa nya. Kahit kailan, hindi nya naramdaman ang pagmamahal ang buong pamilya nito at pati narin mismo ang pagmamahal ng kanyang antie. May tatlong anak na puro lalaki ang kanyang antid na hindi naman malayo sa edad nya. Ginawa syang alila ng halos buong pamilya. Pinapaaral sya ng mga ito at pinapakain pero may kapalit iyon, kailangan nyang pagsilbihan ang buong pamilya. Parang gusto na nyang sumuko sa buhay lalo pa’t sinabi ng antie nya na pag sasapit na sya sa ikalabing walong taon gulang ay ipapakasal sya nito sa isang matandang mayaman na may malaking pagkagusto sa kanya. Muntikan na syang ibenta nito sa matanda na 'yon, na halos huhubaran na sya kung makahagod ng tingin sa kanya. Buti nalang, nailigtas sya mula sa mapait sana nyang kapalaran nang ilang buwan na ang nakakalipas, may dumating sa bahay ng antie nya. Nagpakilala ang mga ito sa kanya bilang ang lola Milagros nya at ang tita Alissa nya. Bago pala namatay ang mama nya, nasulatan na pala nito ang mga ito at naamin nito kung saan ito nakatira, at plano nitong pumunta sa San Bartolome para ipakilala sya sa mga ito. Pero, dahil lumipas nalang ang dalawang taon na hindi parin sila bumibisita doon, kaya napagpasyahan ng mga ito na ang mga ito nalang ang bibisita. Nang nalaman ng mga ito ang sitwasyon nya, hiniling ng mga ito na kunin sya. Pero, bilang guardian nya, nagmatigas ang antie nya. Alam naman nya kung bakit? Dahil sa malaking pera na makukuha nito sa matandang mayaman. Pero, nagmatigas sya. Gusto na nyang makaalis mula sa antie nya at sa pamilya nito. Para kasi laging nanganganib ang buhay nya sa mga ito. Ang asawa kasi ng antie nya ay kakaiba din ang titig sa kanya. Naisalawat nya ang masamang plano ng antie nya sa kanya. Dahil sa mayaman naman pala ang tita Alissa nya kaya nakuha din sya ng mga ito mula sa kamay ng antie nya. Pero, binayaran muna ng mga ito ang antie nya. Dinala sya ng mga ito sa San Bartolome, saka nya nasubukan na mamuhay na parang princessa. Mahal na mahal sya ng lola Milagros nya. Agad nyang nakapalagayan ng loob ang tita Alissa nya, maliban naman kasi na napakabait nito, may hawig din ito sa mama nya, kaya naalala nya dito ang mama nya. Itinuring din syang anak ng tito Kyle nya, ang asawa ng tita Alissa nya. At mas lalo syang sumaya dahil may kuya na sya. May isang anak na lalaki kasi ang mga ito, at ramdam na ramdam nya na itinuring sya nito na parang isang tunay na kapatid. Mas lalo syang sumaya ng napagpasyahan ng mga ito na ampunin sya. Gusto nyang maging ganap na mga magulang sina Kyle at Alissa. Pinangarap nya na maging isang ganap na Del Fuengo. Isang multi- Billionaire ang angkan Del Fuengo. Sikat na sikat ang mga Del Fuengo sa buong bansa. Sikat na sikat ang bawat membro ng tinatawag na 3rd Generation Del Fuengo Clan. Isa sa mga ito ay ang kuya Kiefer nya at ang kasama nya ngayon sa loob ng kotse na si Adrian Zalmeda. Pag maging legal na ang adoption sa kanya, ibig sabihin, magiging pinsan na nya ang Adrian na 'to. Pero bakit nga ba inis na inis sya dito? Hindi kasi maganda ang unang pagkikita nila. Pinagkamalan kasi sya nito bilang isa sa mga babaeng naghahabol sa kuya Kiefer nya. Kaya, pinaiiyak na sya nito sa unang pagkikita palang nila. Maliban pa dun, ayaw na ayaw nya ang pagiging bad boy nito, lagi kasi itong nasasangkot sa gulo. Black sheep nga ito na maituturing sa 3rd generation Del Fuengo Clan. Inis na inis pa sya dito dahil kakaiba ang laging titig nito sa kanya. Na para bang kahit anong sandali ay kaya syang hubaran ng mga titig nito. Lagi itong nakangisi sa kanya at binibiro sya na hindi naman sya natatawa. Almost perfect na sana ang buhay nya kung hindi nya ito nakilala. At bakit sya nakasakay sa kotse nito ngayon? Ito ay dahil wala syang choice. Hatid- sundo sya ng family driver. Pero dahil nagkasakit ito kaya sasabay nalang sana sya sa kuya Kiefer nya. Pero, may date ito. May nililigawan kasi ito na Yvanna yata ang pangalan. Kay Aaron sana sya sasabay dahil mas close sila nito, pero pagdating nya kanina sa parking lot, huling- huli nya sa akto ang pakikipaghalikan nito sa isang babae, at ayaw nyang maka-distorbo dito. Kay Gavin nalang sana sya makikisabay, pero mukhang bad trip ito kanina, dahil mas naging suplado ang mukha nito. Nakakatakot na nga ito tignan pag hindi galit, lalo na pag galit na ito. Kaya, no choice sya at sa Adrian na ‘to sya nakisabay. Ito naman ang nag-offer ng ride sa kanya. Sa totoo lang, nakasunod ito sa kanya habang pinupuntahan nya kanina sina Aaron at Gavin. Ipinapakita nya dito na ayaw nya itong makasabay. Bakit naman kasi dito pa sya inihabilin ng kuya nya? Ayaw na ayaw naman nyang makaabala sa daddy Kyle at mommy Alissa nya. Daddy at Mommy na talaga ang tawag nya sa mga ito. Ito kasi ang gusto ng mga ito. “You’re lucky at ako ang nakasama mo ngayon.” natigil sya sa pagmuni- muni sa nakaraan ng nagsasalita ang nakakainis na binata. Pasimple syang lumingon dito sandali at hindi nakatakas sa kanya ang pangisi nito. Hindi nya ito pinansin dahil kung papansinin nya ito, mas lalo lang syang iinisin nito. “Kung kay Gavin ka nakisabay ngayon—baka mabo-bored kalang. Nakakabored kasi ng pinsan ko na 'yon.” Mas naisin ko pang mabored habang buhay kaysa makasama ka. “Buti nalang hangad ko ang kaligayan ng pinsan kong si Kiefer. Kahit kailan, hindi ako tutulad sa mga pinsan ko na sina Chace at sa kuya Kiefer mo. Hindi ako magiging seryoso sa babae. Never!” Sandali itong napalingon sa kanya, kaya nahuli nito ang pagka-ismid nya dahil sa sinabi nito. “Kung napaismid ka sa sinabi ko. Baka ikamatay mo na ang paniniwala ni Aaron dahil mas malala 'yon sa akin.” “Wala naman akong pakialam sa paniniwala mo.” hindi nya maitago ang inis sa boses. “Isa lang naman ang alam ko, ang malas ng babaeng magiging girlfriend mo.” hindi nya napigilan sambitin. Napatawa ito sa sinabi nya. Saka inihinto nito ang kotse. Napapitlag yata sya ng pabiglang inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Huminto din ito ng halos dalawang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha nila. “Sa tingin mo Alexa, mamalasin pa ang babae sa hitsura ko na ‘to.” Tila bulong lang na pagkakasabi nito. Lihim syang napalunok kasi dumuble ang kaguapuhan nito sa malapitan. Guapong- guapo naman kasi ito at talagang nakakainlove ang hitsura nito. Matangkad din ito at sa edad na 16, may maganda na itong pangangatawan. Napanganga nga sya nung una nya itong nakita, pero dahil sa ginawa nito sa kanya kaya uncrush ito agad sa kanya. Nakangisi ito habang inilayo nito ang mukha. Nakakamatay na yata na titig ang iniukol nya dito. “I’m handsome, irresistible, famous and rich.” May pagmamayabang ang boses nito. “Pero, hindi naman 'yang ang ikakaswerte ng magiging girlfriend ko.” may kakaiba sa ngiti nito. “Gusto mong malaman kung ano?” “Ano?” hindi nya alam kung bakit naging curious sya. Inilapit na naman nito ang mukha sa mukha nya. This time, hindi na sya nagpakita ng pagkatulala dito. Hinagod ng tingin nito ang buong mukha nya. Sunod- sunod ang paglunok nya ng huminto ang tingin nito sa labi nya. “I’m a good kisser and---“ tila bulong lang nito. “—good in—“ ngumisi ito. “—wag mo nang alamin dahil baka maeskandalo ka.” Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito. Saka tawang- tawa ito habang inilayo ang mukha sa mukha nya. Bastos talaga ito kahit kailan! Nagpasalamat nga sya dahil nakalayo sya sa mukhang maniac nyang tiyo at sa matandang mayaman. Pero, mukhang may pumalit naman. Ang Adrian na ito! Pero, at least guapo ito. Tawang- tawa ito habang pinaandar uli ang kotse. Pero, maya’t- maya lang, inihinto din uli nito ang kotse. May isang lalaki kasi na nakaabang dito, nakasandal pa sa kotse ang lalaking nakaabang dito. At mukhang maghahamon ng away. “Naku naman!” may halong pagreklamo ang boses nito. “Ayaw ko pa naman makipag-away ngayon. Mukhang madudungisan na naman ang napakaguapo kong pagmumukha.” Tila ang sarili lang nito ang kinausap nito. Kinakabahan tuloy sya. Saka ito bumaling sa kanya. “Makipagpatayan muna ako. Dito kalang sa loob. Kung saka- sakali at matuluyan ako, pakisabi sa parents ko na---“ lumungkot pa ang mukha nito. May damdamin pala ito. “—isama nila sa libingan ko ang mana ko.” saka tawang- tawa na naman ito. Sumimangot sya. Talagang nakakainis ang Adrian na ‘to. Lumabas naman ito mula sa kotse nito. “Kev pare—long time, no see.” Narinig nya na sabi nito sa lalaking nakaabang dito. “Kumusta ang suspension?” “Walang hiya ka Adrian Zalmeda—ako lang ang nasususpendo samantalang hindi lang naman ako ang may kasalanan sa ating dalawa.” Tila may galit ang boses ng lalaki. “Wala na akong magagawa pare—talagang ikaw lang ang nakikita na may kasalanan ng disciplinary.” Takot na takot na yata sya. Baka magpatayan pa ang dalawang ito sa harapan nya. “Dapat isa lang sa ating dalawa ang matitira dito sa mundo Zalmeda—at sisiguraduhin kong hindi ikaw 'yon.” Tila galit na galit ang boses ng lalaki. “Ok Bro—sisiguraduhin ko rin na ako 'yon.” Tila wala naman takot sa boses ni Adrian. Mukhang matapang nga ito at confident. “Bago tayo magpatayan pare, may ihahabilin muna ako sa kasama ko.” “Take your time! Dahil baka ito na huling araw mo sa mundo.” Sobrang kaba na ang nadarama nya. Parang gusto na nyang maiyak. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Hindi yata sya makakilos. Kung magpatayan ang mga ito baka madamay pa sya. At saka, sayang naman si Adrian kung mawawala ito agad- agad sa mundo. Maya’t- maya lang bumukas ang pinto ng kotse. “A- Adrian, talaga bang magsuntukan kayo ng lalaking 'yan?” sobrang nerbiyos na ang nadarama nya. Tumingin ito sa kanya. May kung ano sa mga titig nito na hindi nya maipaliwanang. Para bang sinasabi ng mga titig nito na tumahimik sya at magtago. “Hindi naman kami magsuntukan---“ nakaramdaman sya ng saglit na pagkalma. “Dahil magbabarilan kami.” Nanlaki sobra ang mga mata nya sa sinabi nito. Saka binuksan nito ang dashboard. “Saan na ba 'yong baril ko.” tila hinahanap nga nito. “M—Me—Meron kang baril?” hindi na yata makapag-isip ng tama ang utak nya. Aatakihin na yata sya sa sobrang nerbiyos. “Oo. Kailangan talaga! Alam mo naman marami ang naiinggit sa akin. Dahil marami nga akong mga good qualities. Bakit naman kasi ang guapo ko, mayaman din? Kaya tuloy, marami ang nagbabanta sa buhay ko.” may pagmamayabang sa boses. Iirapan sana nya ito dahil nagawa pa nito ang magmayabang. Kaya lang nakatuon ang sarili nya sa nangyayari ngayon. “Wala pala dito ang baril ko---“ saka isinara nito ang dashboard. Lumanghap muna ito ng hangin. “—baka nasa likod.” Saka ito tumingin sa kanya. Napapitlag sya ng pabiglang ikinulong ng isang palad nito ang isang bahagi ng mukha nya. “Alexa---“ nakatanga sya dito. Nagkatama ang mga paningin nila. “Ano ba pare, matagal ka pa ba dyan?” may galit na boses ng lalaki na kaaway nito. Mukhang nababagot na ito. “Sandali lang Bro—may ihahabilin lang muna ako sa kasama ko.” ani nito sa lalaki. “Bilisan mo, habang humahaba kasi ang oras mo dito sa mundo, mas lalong nadagdagan ang kasalanan mo.” Hindi na nito pinansin ang kaaway nito. Tumingin uli ito sa mga mata nya. Oh no! Lord, hindi ko alam kung saan ako naestatuwa. Sa kaguapuhan ni Adrian o sa sitwasyong. Bakit naman kasi ang guapo ni Adrian? Kahit nakakainis sya! “Alexa---“ ulit nito na sambit sa pangalan nya. “---baka ito na huling araw ko sa mundo, gusto ko lang malaman mo na—“ lumanghap muna ito ng hangin. Kinakabahan sya, ano ba ang gusto nitong sabihin. Baka aaminin nito sa kanya na may crush ito sa kanya, kaya lagi syang binibiro nito. Mas lalo tuloy syang kinakabahan sa isipin na magtatapat ito sa kanya. “—pangarap ko talagang maging superhero, 'yon may costume na nasa labas ang brief.” Hindi nya alam kung matawa ba sa sinabi nito, pero sino naman ang matawa sa sitwasyong nila ngayon? “Basta ha! 'Yong inabilin ko sayo para sa mommy at daddy ko. Wag mong kalimutan!” saka binalikwas nito ang kamay na nakahawak sa pisngi nya. Sunod- sunod ang paglanghap ng hangin nya. “Dahil gusto kong magshopping doon sa itaas. At baka e-treat ko rin si San Pedro.” Napanganga sya sa sinabi nito. Kahit sa mga sitwasyong na ganito. Nagawa parin nito ang magbiro. Gusto sana nyang sabihin dito na baka hindi ito sa langit mapunta pero pinigilan nya ang sarili. Saka ito umalis na at isinara uli nito ang pinto ng kotse, pero may huling hinabilin ito sa kanya. “Cover your ears—nakakabingi ang putok ng baril. Humakbang ito papunta sa likuran ng kotse, sumunod dito ang kaaway nito. Naipikit nya ang mga mata nang naramdaman nya na nagsisimula ng mag-away ang dalawa. Tinakpan nya ang tainga, dahil baka naman magbarilan na ang mga ito. Medyo may narinig nga sya na putok ng baril. Gusto na nyang maiyak sa sobrang nerbiyos. Maya’t- maya lang, tumahimik na ang buong paligid. Kaya marahan nyang ibinuka ang mga mata. Sandali nyang hinintay ang pagpasok ni Adrian sa loob ng kotse. Sobrang pagkaalala ang nadarama nya para dito. Pero, ilang minuto na ang nakakalipas, wala parin Adrian ang pumasok sa loob ng kotse. Ano kayang nangyari kay Adrian? Sayang, hindi ko man lang nasabi sa kanya na crush ko parin sya. Kahit galit na galit ako sa kanya. Ang hirap kasi nyang e-uncrush!” Wala sa loob na lumabas sya mula sa kotse. At kakaibang damdamin ang bumabalot sa kanya ng nakita nya si Adrian. “Adrian---“hindi nya napigilan sambitin ang pangalan nito. Patakbo syang lumapit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD