"Aaron, ano ba?” mahinang saway nya sa mahal na asawa.
Kasalukuyan syang nakasandal sa headboard ng higaan nila, habang nagbabasa ng english pocket book. Katatapos lang nitong maligo, at kasalukuyan itong nakasuot ng roba.
Nakangiti itong tumabi sa kanya, saka sya sinimulan na halikan nito ang tainga nya.
“Sweetheart, pwede pa naman diba?” may lambing ang boses nito.
“Bakit kaya hindi natin tanungin si baby?”
Nakatawang sabi nya sabay haplos sa maumbok nyang tiyan.
Pitong buwan na ang nakakalipas mula ng ikinasal sila nito. At anim na buwan narin ang baby girl na ipinagbubuntis nya.
Inilapit nito ang bibig sa tiyan nya.
“Hello there my princess! You’re dad wants to make love with your mom. That won’t hurt you, diba?!”
Marahan may gumalaw sa loob ng tiyan nya.
“Thank you, baby!” ani nito, saka nakangiting napaangat ng mukha ang asawa nya sa kanya.
“See!” namilyo itong napangiti.
Kinilig syang napangiti.
“Ikaw talaga! Wala kang kasawa- sawa.” Ang tamis ng kanyang ngiti.
“Kahit kailan, hindi ko pagsasawaan ang mahal kong asawa.” Nakangiti na sabi nito.
Agad itong tumunghay sa kanya, natatawa sya, when he started raining kisses to her face.
And when he claiming her lips, tinugunan nya agad ang maalab na halik nito. Kaya naman nya itong pagbigyan, kahit kailan, habang buhay. Ang sarap kayang magpakalunod sa mga halik nito habang nakayakap ito sa kanya.
You will never have to force anything that’s truly meant to be.
Hindi nya lubos akalain na matupad din pala ang pangarap nya na mahalin ni Aaron. Kung kailan, sumuko na sya, saka naman gumawa ng paraan ang tadhana para sa kanila. Saka naman sya minahal ng lalaki at hinintay pa sya nito sa loob ng mahabang panahon.
Siguro, wala lang sya sa tamang timing noon, pero dumating din ang tamang panahon para sa kanila. Ang swerte naman nya. Mahal na mahal nya kasi ito. At mahal na mahal din sya nito.
They really meant for each other, hindi na kailangan ng pwersa at pilitan. Nakatadhana talaga sya na maging asawa ng mahal na mahal nyang si Aaron Zalmeda.
Forever. And always.
------The End-------
Originally from Del Fuengo Clan, 3rd generation series 11 titled "I'll be the one".
Thank you readers...God bless sa inyo.