Capitulo Cuarenta y siete Literal akong napanganga sa sinabi ni Sol sa akin. Hinihintay ko ang pagsabi niya ng joke na may kasamang tawa pero wala akong narinig. “B-Bakit naman ako makikipagdate sa’yo? Nasisiraan ka na ba?” tanong ko habang nauutal. “Kung ganoon ay lalo ka lang malulubog sa utang. Sobra pa naman ako maglagay ng interes,” wika niya sa akin. “Wala bang ibang paraan para mabayaran ka? Date talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko naman kasi maintindihan kung ano ang naisipan niya at date pa talaga ang hinihingi. Nabagok baa ng ulo niya bago niya ako katukin sa kwarto at kung anu-anong sinasabi niya? “Oo. Date lang,” matuwid niya namang wika sa akin. “I need to have a date with you twice a week,” dagdag pa niya na lalong ikinanlaki ng aking mata. “Ha— “I will

