Capitulo Cuarenta y ocho After that realization that I am falling for him, bumaha rin sa isipan ko ang mga katanungang nagpakaba sa akin. Mga katanungang gusto ko na lang ipagsawalang bahala pero ayaw makisama ng utak ko. Hindi ko alam kung paano ako nahulog dahil ngayon ko lang nalaman na nahulog nap ala ang loob ko sa kanya. At ngayon, alam kong kahit anong pigil ko ay wala na akong magagawa pa para pigilan ang ganito lalo na at alam kong malalim na ang pagkakahulog ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung dapat ba ako maging masaya o malungkot. Alam kong wala na akong pag-asa sa kanya dahil sinabi niya sa akin na may nagugustuhan na siyang iba. Kung aamin ako sa kanya ay magiging mahirap lang para sa amin ang maging magkaibigan. Ayokong i-take iyong risk na ‘yon dahil mas masaya akong n

