Capitulo Treinta “Can we talk?” tanong ko sa kanya. Ilang segundo ang itinagal bago niya nagawang tumango sa akin at lingunin ako. “Why do you want to quit?” tanong ko sa kanya. Masyadong malaking bagay ang salitang quit sa kanila lalo na at sama-sama nilang binuo iyon. Katulad nga ng sabi ko ay matagal na nila akong fan at lahat ng mga pupwede nila pagdaanan ay nasaksihan ko na. Hindi nga lang ganitong nasa tabi nila ako. “Do I have a choice? I am a son of a businessman,” naiinis niyang sagot sa akin. Siguro ay naiinis siya dahil ganitong sitwasyon ang pinagdadaanan niya. Kung hindi siguro siya anak ng mayamang businessman ay hindi niya kinakailangan pagdaanan ang lahat ng ito ngayon. “Dad always want to control me. Pero nang magdesisyon akong magbanda ay wala siyang nagawa roon

