Capitulo Veintinueve “Did I make your heart beat fast, Adi?” nakangising tanong niya sa akin. Para akong nabuhusan ng tubig nang makita ko ang ekspresyon niyang ‘yon. Bagama’t gusto ko siyang sapakin sa ginawa niyang pang-aasar sa akin ngayon-ngayon lang ay hindi ko ginawa. Imbes ay itinulak ko lang siya palayo sa akin at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato na walang imik. Lumayo siya sa akin pagkatapos no’n. Pakiramdam ko ay inoobserbahan niya ako ng mabuti kaya pinilit kong umakto ng normal at tila walang pakialam sa ginawa niya. Do I like him? No. I am sure of that. Wala akong naramdaman ni isa maliban sa kinabahan ako sa ginawa niya. Imposible rin na magkagusto ako sa isang kagaya niya at isa pa, may rule akong sinusunod. I can’t have that romantic feeling dahil lang sa sinabi

