Capitulo Veintiocho “Okay na kayo?” natatawang tanong ni Sage sa aming dalawa nang magkita-kita kami sa Saubea TV Network. Inirapan lang siya ni Sol habang ako ay hindi nakapagsalita. Kung ganoon ay tama siya. Sinadya nila kaming iwan doon sa hotel para magsama papunta rito at magkaayos. “Sabi ko sa inyo, effective iyong pag-iwan natin sa kanila eh,” sabi pa ni Sage. Nilapitan naman ako ni Primo na may pag-aalala sa kanyang mukha. “Okay ka lang ba, Adi?” Tumango ako sa kanya. “Pasensya na kung iniwan namin kayo roon. It was Sage’s idea.” Umiling ako at saka ngumiti. “Okay lang no.” “Aray! Bakit ka ba nanapak?” dinig namin na reklamo ni Sage kay Sol. Umirap lang ito at saka umiling bago nagpunta sa isang sulok. Hindi pa nagsisimula ng preparation para sa TV Appearance nila. Masyadon

