Kabanata 7 Sarap Tumakbo ako ng tumakbo habang lumuluha ang mata. Pighati ang nararamdaman, para akong binugbog ng maraming beses sa nararamdaman. Ang bigat-bigat ng puso ko, pakiramdam ko'y hindi na ako makahinga dahil sa ulan na rumaragasa at pagdadalamhati ng puso ko. Hindi ako tumigil sa pagtakbo, kahit pa may mga sasakyan at habal-habal na sumasabay sa akin, hindi ko iyon binigyan pansin dahil ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas lalong lumakas ang ulan, ramdam na ramdam ko na ang panlalamig sabay sa pagkadapa na nagdulot ng paghiyaw ko sa sakit. Ang sugat mula sa pagkakadapa ko noon ay mas lalong nadagdagan ngayon. Nanghihina akong umiyak sa lupa, dumadaloy na ang dugo mula sa tuhod ko. Hinang-hina na din ang katawan ko kaya hindi ko na a

