Kabanata 8 Malabo Katulad ng nangyari sa mga nakaraang araw, nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos ni Ranilo. Hindi ko mapagtanto kung bakit siya naging close sa akin. Gulong-gulo ang isip ko sa mga ginagawa niya. Nalilito ako pero bagama't ganoon ang nararamdaman, hindi ko naman maipagkailang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa akin. Sa halik, sa pagpapasakay sa akin sa kotse niya, sa pagbibigay niya sa akin ng pagkain o ano pa man, at sa araw-araw na nagpapaiwan kami sa room para maghalikan lang. Hindi ko ipagkakailang gustong gusto ko ang mga halik niya sa akin. Gustong gusto kong nalalasap ang malambot niyang labi. Masarap siyang humalik, at isa iyon sa nagpapabaliw sa akin ngayon. His kiss is like drug, it makes me more addicted. Masaya ako, masayang masaya kahit pa ganito ang

