Kabanata 9 Soothsayer Natuloy ang pamamasyal namin ni Cristita sa Tacloban. Pinayagan ako ni mama para daw ma-relax ako bago ang examination namin. Habang sakay kami ng bus, hindi mapigilan ng kaibigan ko na makipag-kwentuhan sa akin ng kung ano-anong bagay. Napapahinga nalang ako sa kachismusuhan niya. "Alam mo, nag-away daw kahapon si ex-president at ang girlfriend niya. Matindi daw ang salitaan nila habang nasa harap ng kotse." aniya sa bulong na boses. Kumunot ang noo ko. Ano? Nag-away si Ranilo at ang girlfriend niya? Bakit naman? A-alam na ba ni Sheena ang tungkol sa ginagawa namin? A-alam niya na ba? Kinabahan ako sa nalamang iyon. "B-bakit naman sila nag-away daw?" nauutal kong tanong. She sighed. "Ang sabi ng nagsabi sa akin, nagiging malamig na daw si ex-president kay She

