Kabanata 10 Alis "Narinig ko sa usapan ni sir Ranniel at ng kanyang asawa na aalis ang lalaking anak nila papuntang ibang bansa." Nagulantang ako sa sinabi ni papa. Hindi ko naisubo ang pagkain dahil sa sobrang gulat. Kumabog ang puso ko ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaksyon ko. "Bakit naman aalis ang binatang iyon?" tanong ni mama. Hinintay ko ang sagot ni papa. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang kabang nararamdaman. "Pagkatapos ng senior high niya. Doon siguro sa ibang bansa mag-aaral si Ranilo ng negosyo." si papa. Hindi ko alam kung bakit gustong tumulo ng luha ko. Yumuko ako para hindi mahalata ni papa ang namumula kong mata. Ayokong malaman nila dito na ganito ang epekto ni Ranilo sa akin. "Talaga? Ang galing naman. Matalino kasi yung lalaking i

