bc

Love in Shadows (Filipino)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
forced
stepfather
sweet
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Kung mahal mo palalayain mo." Sikat na kasabihan ngunit mahirap pangatawanan. Ang ating bida na si Ophelia ay napaka swerteng babae mula sa pamilya na hindi nagsasawang suportahan siya hanggang sa negosyong nahahawakan niya ay lahat lumalago at namamayagpag ngunit bawat tao ay mayroong bagay na hindi pwedeng makuha gayun din siya. Nang sa unang pagkakataon naka hanap siya ng lalaking nag papatibok ng kaniyang puso ay sa tila tiyempo naman na ito ay naka takda ng ikasal.

Isusuko niya ba ang pag-ibig na umusbong sa maling panahon o ilalaban niya ang ito hanggang sa kaniyang makakaya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
1: PRESENTATION "Kain lang ng kain, nak." Hinahaplos pa ni mama ang likod ni kuya Roby na parang alagang-alaga ito. Hindi ko na lang sila pinansin at kukuha sana ako ng isang tuyo mula sa pinggan pero nagulat ako nang hinampas ni mama ang kamay ko. "Kay Roby na 'yan Joshua unang araw niya sa trabaho ngayon kailangan niya kumain ng madami." Pananaway nito sa akin. Tumango na lang ako at wala ng ano pang sinabi. Ano pa bang magagawa ko? "Joshua iwan mo na lang din pala 'yung pambayad sa tubig due date na kasi mamaya." Pagbibilin ni nanay habang abala pa din sa pag asikaso sa kapatid kong hindi na magkanda-ugaga kung anong isusubo sa dami ng inilagay na pagkain ng nanay namin sa plato niya. "Opo 'nay ilalagay ko na lang po sa ibabaw ng tv mamaya." Sagot ko na hindi na nakatanggap ng anumang tugon mula sa aming ina. Agad na akong tumayo ng matapos kumain at nag hugas ng kamay. Kailangan ko pang pumasok ng maaga dahil may meeting si Miss Ophy sa bagong investors niya. Bago ako umalis dumukot muna ako sa bulsa ng aking backpack ng dalawang libo at iniwan ito sa taas ng tv bago tuluyan ng umalis ng bahay. Pumara ako ng tricycle sa labasan para makarating sa bayan doon lang kasi ako pwedeng makasakay ng jeep papuntang High Star Hotel. Halos limang minuto na mula ng maihatid ako dito sa bayan pero wala pa ding jeep na pwede kong masakyan. Hindi ako pwede ma-late ngayong araw dahil malaking kliyente ang pinag uusapan dito. "Hop in." Napa angat ang tingin ko mula sa pag check ng oras sa suot kong relo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Miss." Bulong na tawag ko sa kaniya. Bakit nandito siya? Nakita ko pa ang pag taas ng kaniyang kilay kahit na may suot siyang aviator sunglasses, "Ano tatayo ka na lang d'yan? We have an investment waiting for us." She said using her infamous sweet but authoritative voice. Nang dahil sa narinig ko ay mabilisan ang ginawa kong pag takbo papunta sa backseat pero naka lock ata ang pinto nito dahil kahit anong hila ko ay hindi ito mabuksan. Dahil dito muli na namang sumilip ang mukha ng aking amo at sumenyas na umupo ako sa passenger seat. Nakakahiya man pero wala akong nagawa kundi pumunta sa harap at maupo katabi niya bago niya muling paandarin ang sasakyan. "Next time use the shuttle..." Inihinto niya ang kotse nang matapat kami sa isang stop light bago niya ako muling tiningnan at kausapin, "And If I remember it correctly last year we offered you the service car. Bakit hindi mo kinuha e' halos hirap ka palang bumyahe." Naiilang man ay mas pinili ko na lang ngumiti at hindi na muling sumagot. Rude ba? Pero ang weird niya kasi ngayon. Ang kilala ko kasing Miss Ophy ay laging mainit ang ulo at hindi kumakausap ng kung sino man, kahit nga ako na secretary niya nang halos walong taon ay bibihira kung makausap siya. Tapos ngayon, bigla siyang paparada sa harap ko at yayayain akong sumakay sa paborito niyang kotse. Nang muli ng umandar ang kotse ay tila nabunutan na din ng konting tinik ang aking lalamunan. Hindi na din muling nag salita si Miss Ophy hanggang sa makarating kami sa hotel. Purong tunog ng takong niya na lang ang naririnig ko nang tuluyan na kaming makarating sa floor kung saan nakalagak ang conference room ng hotel. Nakita ko pa sa bungad na lamesa ang karelyebo ko na si Samantha na tila umiiling nang makita ang mukha nang nauunang mag lakad na si Miss Ophy. Sumenyas pa ito sa akin bago ako makapasok sa loob na tila may malaking p*****n na magaganap sa loob. Nakaupo na sa gitnang bahagi ng lamesa si Miss Ophy at nag babasa na ng presentation summary sa kaniyang tablet. Walang oras na sinayang na tumabi ako ng tayo sa kaniyang likuran bago muling ireview ang hawak kong folder na pina print ko pa kagabi para matandaan ang agenda ng aming meeting. Wala naman kasi akong laptop o kahit tablet man lang na magagamit gaya ng mayayamang tao dito. Napansin ko ang kakaibang aura na bumalot sa loob ng kwarto nang mag simula ng magsipasok ang Sales Representatives nang aming hotel na agad namang sinundan ng CEO ng Florence Airlines na si Mr. Zygfryd Tan. Napansin ko pa nga ang sandaliang pag hinto ni Mr. Tan sa pinto na tila nakaramdam din ng bigat ng aura sa loob bago ito tuluyang maupo sa nakatalagang upuan dito. Isa ito sa meeting na inaasam na makuha ng aming CEO. Walang araw na hindi siya sumisigaw na kailangan naming makuha ang matamis na oo ng kabilang kompanya nang malaman niyang nag hahanap ng prospect partner hotel ang sikat na airlines. Halos dalawang oras ang itinagal ng meeting pero madaming tanong pa din ang binabato ni Mr. Tan na nakakapagdagdag lamang ng bigat sa loob ng conference room. Nangangalay na din ang paa ko sa kakatayo dito sa likod. At siguro ay nakuha ko ang atensyon ng aming CEO nang pumadyak ako para sana mawala kahit papaano ang pamamanhid ng aking hita. Nangungunot noo itong tingin sa akin, "Why are you standing there like a statue?" She whispered. Nanguguluhan naman akong nag tanong sa kaniya ng, "What's wrong ma'am? Gusto niyo po bang lumabas ako?" Mas lalo ata siyang nainis sa tanong ko dahil dinig ko ang pag ngitngit ng mga ngipin niya at sigurado akong naagaw na din namin ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng silid. Ano na namang kapalpakan ang nagawa ko? "Sit here." Turan niya sabay turo sa bakanteng silya sa kaniyang tabi. Eh? "I said sit here. Hurry." Sabi niya git ang nag babantang boses. At ulit wala na naman akong nagawa kundi ang sumunod at maupo sa tabi niya. Napalingon ako sa mga tao na kasama namin na agad naman nagsi iwas ng tingin nang muling humarap si Miss Ophy sa kanila. Nag patuloy ang presentation pero wala pang sampong minuto ay ang pag hinga naman ng malakas ng aking katabi ang gumulat sa amin. Para talaga kaming hahatulan sa ngayon maging si Mr. Tan ay parang naguguluhan sa nangyayari. "Is there any further questions, Mr. Tan?" Miss Ophy asked. Tila naiinip na ito nang mag tanong. Sino ba kasing hindi mabo-bored sa tagal ng meeting. Ngumiti naman si Mr. Tan bago inilahad ang kamay, "No and your employees are good so, let's seal the deal?" Ani nito na nag pagaan ng pressure sa silid. Buti naman nag bunga ang puyat naming lahat. Nakikita ko pa nga ang ngiti sa labi ng mga representative na tila nabunutan din ng malaking tinik sa lalamunan. Nakita ko pa ang mahinang mag palakpak ng reporter sa harap na tila naka pasa sa final defense niya sa college. - SORRINSABLE

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Daddy Granpa

read
306.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook