bc

Embrace By His Tentacles (Animalia Series: Octopus) ENGLISH

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
HE
escape while being pregnant
arrogant
bxg
another world
like
intro-logo
Blurb

Brea loves sail with her father to catch fishes for their canned business. She wants to follow his footsteps in their business. Using a large tuna fishing ship, they sailed to the deepest part of the ocean. They didn't realize that they were crossing the part of the ocean that was forbidden to go to. And in that part, they didn't expect to catch a strange creature. A half-human and half-octopus.

Because they’ve took the creature's wife, Brea became the target of the male creature for his revenge.

While Brea was bathing on the beach of their rest house, something suddenly wrapped around her and took her to the depths of the ocean.

But as the days passed by, she gradually fell in love with the creature.

Will Cleo loved her back? Even Brea’s father committed a sin that he will never forgive. For killing the creature’s wife. Will he ever love her back despite of everything?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE "Meron na bang huli?" tila nagpipigil sa inis na tanong ng ama ni Brea sa kaniyang mga crew habang isa isang ini-inspeksiyon sa ibaba ng barko ang mga lambat na nakalatag parin sa dagat hanggang ngayon. Umuling naman ang isang nagbabantay sa lambat bago nagpasyang sumagot. "Boss talagang pigado tayo ngayong araw. Maliit lang ang huli ng mga naiahong lambat kanina." sagot naman nito sa kanya. "Hindi tayo uuwi hanggat hindi nababawi ang gasto sa paglayag natin." ani niya sa kaniyang mga trabahante na tila pagod na sa maghapong paghuhuli ng mga isda at paglalambat. "I-deterso ang layag ng barko." pasigaw na utos nito sa kapitan na siyang nagmamaneho ng kaniyang barko. "Dad, kanina pa sila dyan nakatayo mula umaga. Hayaan niyo muna silang magpahinga. Marahil ay wala talagang isda sa parteng ito." ani naman ni Brea habang sinusundan ang kaniyang ama sa paglalakad at pag-iinspeksiyon ng mga naka ahong lambat. Dahil sa utos na iyon ng kaniyang ama ay iniahon nilang lahat ang lambat, may laman man o wala. Dahil babay bayin nila ang sinabi nitong dereksiyon. Habang naka tingin sa dereksiyong sinabi ng kaniyang ama sa gamit niyang telescope ay natanaw niya ang kumpol ng mga bato na nagmimistulang isla sa kalayuan. "Dad, I think papunta na tayo sa pinagbabawal na pangisdaan." ani ni Brea sa kaniyang ama. "Dyan tayo manghuhuli." ani nito sa kaniya. Nangunot naman ang nuo nito dahil kahit na walang nagbabantay sa bandang doon ay mahigpit paring ipinagbabawal sa kanilang pumunta sa teretoryo na ng ibang bansa. Dahil sa oras na makalapit na sila roon ay lagpas na iyon ng Philippines exclusive zone at patungo na sila sa pacific ocean. "Pero dad, mapanganib dyan dahil sa malalakas na hampas ng mga alon sa batuhan. Delikado ang mangisda dyan lalo na tulad sa panahon ngayon na maulan." pahayag ni Brea ngunit nanatiling kalmado lang ang kaniyang ama na di alintana ang kanilang kaligtasan. "Nasubukan ko nang mangisda dyan noon. At mas maraming huli dyan kompara sa pinanggalingan natin kanina. Kung nasaan ang mga ibon ay naroon rin ang mga isda Brea. Hindi naman malulugi ang parteng dagat na iyan kung kukuha lang tayo ng kakaunti mula sa yamang dagat nila." ani ng kaniyang ama at umalis na upang magbigay senyales sa kaniyang nga crew. Hindi makapaniwala si Brea na lalabag sila ngayon sa batas ng ibang bansa. Ang batong nagmimistulang isla ay tahanan ng mga ibon pandagat at ibang uri ng mga lamang dagat na naninirahan doon. Ngunit kahit ano paliwanag niya ay ayaw makinig ng kaniyang ama dahil kung hindi ito susugal roon sa panghuhuli ay malulugi ito sa gasto sa kanilang halos isang lingo nang paglalayag ngunit hindi pa nakakalahati ang isang container na lalagyan ng mga nahuling isda sa kanilang barko. Napabuntong hininga na lamang si Brea nang makalapit sila ng kaunti sa isla at sumigaw ang kaniyang ama na isaboy ang lahat ng lambat sa karagatan. Mga ilang sandali pa ay bumigat na ang lambat senyales na meron na itong nahuli. Nang maiahon na nito ang mga lambat ay nagulat si Brea nang makita ang mga nahuling isda. May nga klase klase at nagmamahalang mga isda ang naroroon pati na rin ang malalaki at mamahaling mga alimango. Kaya naman ay tuwang tuwa ang kaniyang ama. Hindi sila nagpatinag kahit na humanpas ang malalakas na alon at tumagilid ang kanilang barko. Halos mapakapit at mapasigaw naman si Brea nang malapit siyang mahulog sa dagat mula sa kaniyang kinatatayuan. "Boss, puno na ang dalawang container!" sigaw ng isang crew na nagbabantay roon. "Sige, iahon niyo na ang mga lambat at ipagkasya ang mga huling huli!" muling utos ng naka-ngiti niyang ama. "Boss! Boss! May kakaibang nilalang sa lambat!" sigaw ng kaniyang crew na may hawak paring lambat. Mabilis naman silang nagtungo roon upang palibutan ang lambat na nakapapag na sa sahig. "May tao?" nagtatakang wika ng iba dahil naka labas ang kamay nito sa lambat na pilit na kumakawala. "Ngunit kakaibang kulay ang kaniyang balat." ani pa ng isa. "Isang kalahating tao." ani pa ng isa pa. Nang mapagmasdan ito ni Brea ay laking gulat niya nang makita ang isang babaeng kalahating tao at kalahating pugita. "Isang kalahating pugita." ani niya na nagpasinghap sa mga ito sa sobrang gulat. Hindi sila makapaniwala na nakikita ngayon sa kanilang harapan. Sinusubukang kumawala ng nilalang gamit ang kaniyang matatalim na ngipin sa pagputol ng may kakapalang lambat. "Ibaba niyo ulit ang lambat." utos ni Brea sa mga ito dahil baka ito ang nilalang na nagbabantay sa yamang dagat na naroon na tulad ng isang diwata ng kagubatan. Ngunit tila walang narinig ang lahat at hindi alam kung anong gagawin. Hanggang sa dumating ang kaniyang ama at binaril ito ng injection na may pampatulog. Ang kaninang nagwawalang nilalang ay ngayon ay wala nang malay. "Dad, what did you do?" hindi makapaniwalang wika ni Brea. "Mas malaki ang kita natin sa kaniya kapag naibigay natin siya sa mga experto. Ang kakaibang nilalang na katulad niya ay dabat siyasatin at pag-aralan ng seyensia." ani ng kaniyang ama. "Pero Dad," ani ni Brea pero hindi na siya nito pinakinggan. "Bumalik na tayo!" malakas na utos nito sa kapitan ng kaniyang barko. Wala nang nagawa pa si Brea dahil ayaw niya rin namang makipagtalo pa sa kaniyang ama. Muli niya nalang pinagmasdan ang islang papalayo na sa kaniyang paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook