Chapter 54: Feelings 3rd Person's POV (Flashback: At Germany, a week before dumating sina Ria sa Pinas) Inaayos ni Ria ang mga gamit niya sa may sala. "Frease! Nasan na yung gamit mo? Naayos mo na ba?" Sabi ni Ria. Minsan, pag trip niya, 'Kuya' ang tawag niya kay Frease, pero kadalasan, 'Frease' lang ang tawag niya dito dahil sa ito na ang nakasanayan niya bago pa man sila maging magkapatid. "Ria.. May one week pa tayo." Sabi ni Frease na naka-upo lang sa may sofa habang hawak ang remote ng TV. "Yun na nga eh. One week nalang, aalis na tayo kaya kung ako sayo, aayusin ko na yung mga gamit ko para naman wala akong makalimutan." Sabi ni Ria. Tinignan lang siya ni Frease. "Ikaw na'ng mag-ayos. Busy ako." Sabi nito. "FREASE!" Pagmamaktol ni Ria. "Ano?" Napatingin naman agad sakanya s

