
Marami ang pwedeng mangyari sa buhay ng bawat tao.
Marami ang pwedeng magbago sa loob ng isang oras. Marami rin ang pwedeng mawala sa loob ng isang segundo.
At marami ang pwedeng tamaan ni kupido sa loob ng isang segundo.
Love. Pagmamahal. True love. First love. Kahit ano pa ang itawag ng iba sa salitang yan. Iisa lang ang gusto nating mangyari kapag tinamaan tayo ng lintek na 'pagmamahal' na yan.
And that is to make it last forever..
Pero totoo nga bang may forever na nakaabang sa dalawang taong nagmamahalan?
Tadhana. Fate. Destiny.
Kahit gaano natin sabihin na mahal natin ang isang tao. Kahit sabihin nating 'siya na'.
Kahit ipaglaban natin ang nararamdaman natin para sa taong mahal natin at kahit pa hilingin natin ang 'forever' sa relasyon na meron tayo kasama ang mahal natin sa buhay..
Oras na pag-laruan tayo ng tadhana, wala tayong magagawa. Maaaring magbago ang mga bagay na akala natin ay permanente at panghabang-buhay na..
At ang pinakamasakit? Maaari 'ring magbago pati na rin ang akala nati'y permanente'ng nararamdaman natin para sa isang tao.

