Chapter 1: Chantelle Denise Valdez
Chann's POV
"Oh dalian mo na Nikodem. Baka may makakita pa sa'tin dito." Sabi ko.
"Tss. Alamin mo muna kung sino ang kinakalaban mo, Brad. Yan ang napapala ng makakati ang bunganga." Sabi ni Nikodem sa lalakeng binugbog namin.
Tarantado eh. Sinumbong kami sa teacher. Tumatambay lang raw kami sa labas at lagi rin raw nag-cucutting =____=
Yan ang mahirap sa mga taong idol si honesto eh. Akala nila, kapag totoo ang isang bagay, kailangan at dapat nang sabihin sa iba.
Hindi ba nila alam na minsan ang katotohanan, pwedeng ikapahamak ng iba lalo na ng mga tanga?
"Pasalamat ka at iilang pasa lang ang natanggap mo. Kung wala akong katiting na awa sayo? Baka pinutulan na rin kita ng dila." Sabi ko.
Umalis na kami ni Nikodem sa liblib na lugar na yun dito sa school at tumungo sa caf para makapag-merienda.
"Dem, libre mo'ko ha? (¬_¬)" Sabi ko.
"Bah? Hoy! Wala 'kong pera noh. Nakikilibre lang rin ako sa kung sino-sino jan (╯3╰)" Sabi niya.
"Tss. Wala ka talagang kwenta kahit kailan (-_- )ノ" Sabi ko.
Nang makarating kami sa caf ay nakasalubong namin yung isa naming kaklase sa isang subject.
"Uy Chann! Dem! Hindi ba kayo papasok? May klase tayo ngayon. Ilang araw na kayong absent tsaka sabi ni Sir malapit na kayong ma-drop" sabi ng classmate namin. Isang walangyang extra.
"Pakialam ko? -____-" Sabi ko.
"Klase? Para sa mga bopols lang yan. Kaya nga nasa Adameon University diba? Dahil nakapasa't matalino na. Tanga lang? Tsaka, wag mo'kong matawag-tawag na Dem, hindi tayo close (¬_¬)" Sabi ni Dem.
"Grabe. Ang sunget niyo naman. Kayo na nga 'tong inaalala eh." Sabi niya.
"May sinabi ba kami na mag-alala ka samin?" Sabi ko.
Nilagpasan na niya kami at padabog na tumungo sa kawalan kung saan siya nababagay.
Tss. Mga babae nga naman, kulang sa pansin ╮(─__─)╭
"Tss. Ang dami talagang bobo ngayon. Sa klase at sa teacher lang laging umaasa. Kala mo naman, may pag-asa pang tumalino." Sabi ni Dem. Nakabili na kami ng pagkain at heto kami ngayon sa caf, tumatambay.
"Ang totoong matalino, hindi pumapasok sa klase! (~ ̄▽ ̄)~" Sabi ni Dem. Nag-tawanan lang kami.
Tindi talaga ng amats nito tuwing nakakakain eh =____= Kaya kailangang sakyan ang bawat sasabihin.
Tsaka sinong estudyante ang papasok pa rin kung malapit na rin naman ang Christmas Break? Tanga lang? Masyadong loyal. Tss.
-
Hapon na at nandito na kami sa bahay ngayon.
"Oh asan na yung mga kumag?" Sabi ko.
"Obvious ba? Either nag-aaral, pumapasok sa walang kwentang klase, may ginagawang katarantaduhan o may nilalandi lang." Sabi ni Dem.
Tss. Bahala sila. Basta ako? Umuwi ng maaga dahil may gusto akong makita.
-
Chantelle's POV
"Okay, class dismissed! See you next year! I-enjoy niyo ang Christmas break niyo dahil pag-balik niyo dito, mage-exam tayo!" Sabi nung teacher namin sa isang subject.
=____= Jusko lang! At last! Akala ko 'di na darating ang araw na 'to!
"WHOOOO! CHRISTMAS BREAK! KAY TAGAL KITANG HININTAAAAAAAAY! LABYOO!" Sabi ko nang makalabas ako sa classroom namin.
Wala namang nakapansin sakin kasi pati sila, nagsi-bunyi dahil sa wakas, Christmas break na! Sino ba namang hindi sasaya diba?
Tapos na ang long exams, quizzes, recitations at iba pa o(≧o≦)o
Nang maka-baba ako sa building namin ay agad na akong umalis at umuwi. Wala rin naman akong gagawin sa school eh.
Habang naglalakad ako sa hallway, marami akong nakasalubong na mga tao na kakilala ko lang rin. Hi dito, hi doon.
=___= Eh 'di ako na ang madaming kakilala.
Ganito talaga ang buhay pag irregular. Sa mga 'di nainform, ang irregular na term sa college, ay kabaligtaran ng regular. Hehe. Dejoke lang ( ̄。 ̄)v
Irregular, yung bang bagsak sa mga dapat ipasa lalo na yung may mga subject na prerequisite sa isang subject.
Ay basta yun na yun (-_- )ノ
Tsaka irregular rin ako dahil I shifted from BSInfoTech to BSMultimedia and Arts to BSPsychology to BSArchitecture to BSInteriorDesign.
Galing noh? Dami ko nang course -____- Masyado ko atang mahal 'tong Adameon University eh.
Dapat nga, ggraduate na ako next year, kaya lang, masyado akong naaliw eh. Kaya ayan, forever college ang peg ko.
Pero may positive side naman, madami kang makikilala, dumadami friends mo, lumalawak mundo mo. PERO, pramis. Hindi madali ang ganitong buhay.
Well what else could I say? Ganito talaga sa college eh.
-
Nang makarating ako sa bahay, nag-bihis na ako at nanuod ng palabas sa tv.
Ganito na ka-boring ang buhay ko simula nang nag-pasya akong mag-seryoso sa pag-aaral.
Nakakahiya nga raw kasi, kababaeng tao, pariwara sa buhay =____=
Wala akong kasama dito sa bahay bukod sa tatlong kwarto (kasama na yung kwarto ko dun), sa kusina, sa living room at sa pinto't bintana.
Parents ko? Ayun, sumuko na sakin. Iniwan ako kasi sabi nila, kailangan ko raw matutong maging independent at mabuhay na mag-isa. Matanda na rin naman raw ako eh. Nasa ibang lugar sila habang ako ay nag-sisikap na ayusin ang buhay estudyante ko dito.
20 years old pero considered as 1st year college pa lang? =___= Yan si Chantelle Denise Valdez, at your service!
Nang ma-bored ako sa kakanuod, lumabas muna ako at pinuntahan ang isa ko pang kasama dito sa bahay.
"Bells, come here." Sabi ko. Agad namang lumapit ang cute na cute kong ASO at nilaro ang kamay ko.
Siya si Bells, my one and only love. Chowchow siya, light brown lang at medyo maliit.
"Awww! Aww~" (Bells)
"Gutom ka nanaman? Bakit lagi kang gutom? Ilang tiyan ba ang meron ka? =____=" Sabi ko.
Kumuha ako ng pagkain niya at natural, pinakain sakanya.
Nang matapos siya ay tumambay muna kami dito sa garden. Ako na malalim ang iniisip at si Bells na natutulog sa lap ko. Mana sakin eh, tamad rin.
"Nag-sisimula nanamang mag-snow.. Winter nanaman." Sabi ko habang naka-tingin sa kalangitan.
Wag kayo. May snow na sa Pinas ngayon. Seryoso. Wale eh, nakikiuso talaga ang weather ng Pinas sa ibang lugar.
Napangiti ako ng mapait. May naaalala kasi ako tuwing mags-snow..
Isang---
"HOY DENISE, ANO NANAMAN YANG INE-EMOTE-EMOTE MO JAN?" Napatingin ako sa sumigaw na demonyo.
Oo, demonyo. Isang WALANG HIYANG DEMONYO.
"Punyeta, wag kang magulo CR! I-flush kita sa toilet jan eh (o¬_¬)o" Sabi ko.
"Pakyu naman, Denise! =____= Pwede ba? Tigil-tigilan mo'ko sa kaka-CR mo!? Simula nang maging mag-kaibigan tayo, nag-mukha na 'kong inidoro (╯3╰)" Sabi niya.
"Wag kang KJ, ganda kaya =___= CR ang initials ng pangalan mo, mukha ka pang tae. Bagay lang sayo ang mag-mukhang inidoro ╮(─▽─)╭" Sabi ko. Nasa kabilang bakuran siya.
Para malinawan kayo, kapit-bahay ko ang demonyong 'to.
Malas ko diba?
"Chann ang pangalan ko. Pwede mo rin akong tawaging Rylan. O kung gusto mo, pwede mo rin akong tawaging Yours para matawag kitang Mine." Sabi niya sabay taas baba ng kilay.
Ahitin ko yan eh (-_- )ノ
"Tigil tigilan mo rin ako sa mga kalokohan mo CR. Nananapak ako ng mga makakapal ang mukha." Sabi ko.
"Tss. Dito ka nalang samin, may pagkain kami dito. Alam ko naman na purita ka jan eh. 'Di hamak mas okay ang tumambay kaysa mag-isa kang nag-eemote jan. Ang sagwa tignan (¬‿¬)" Sabi niya.
"Wag na. Kulang pa sainyong labing dalawa yung mga pagkain na anjan. Hiyang hiya talaga 'ko sa mini-bahay ampunan mo eh. Gusto mo ata ampunin lahat ng estudyante sa Adameon University =___=" Sabi ko.
Halos lahat silang magka-kaibigan, sa bahay niya nakatira. Pare-pareho silang mga walangya, may iilan namang matino. IILAN nga lang talaga.
"Baka gusto mo pati ikaw ampunin ko? (¬‿¬) Pramis, sisiguraduhin kong ikaw lang ang pwedeng tumira dito sa puso ko." Sabi niya.
=____= Punyetang banat yan.
"Gusto mo gisingin ko 'tong si Bells?" Sabi ko.
Nanlaki naman ang mata nitong inidoro'ng 'to. Takot siya kay Bells.
Lagi kasi siyang hinahabol ni Bells. May gusto ata 'tong si Bells sa kumag na yan eh.
"'To naman. Kailan ka kaya bibigay? Alam ko naman na may gusto ka sakin eh. Aminin mo nalang kasi." Sabi niya.
"Ikaw lang ang natatanging CR na SOBRANG KAPAL NG MUKHA! -___-" Sabi ko.
"Wag kang mag-alala, titino ako para sayo, basta ba aminin mo na may gusto ka sakin (~ ̄▽ ̄)~"
"Asa ka pa =____=" sabi ko.
Tumalon siya mula sa bakuran at nag-lakad palapit sakin. Ang sarap kasuhan ng trespassing eh.
"Wala kang karapatan na umupo jan." Sabi ko. Umupo kasi siya sa isang bakanteng upuan dito sa may garden at nilagay ang dalawang paa sa mesa.
Sabi sainyo eh. ANG KAPAL NG MUKHA NG CR NA 'TO.
"Tss. Iniisip mo nanaman yung kumag na yun noh?" Sabi niya.
"Wow. Kung maka-kumag ka. Kala mo 'di kayo mag-kaibigan ah?" Sabi ko.
"Yun na nga eh. Kung 'di ko lang siya kaibigan, matagal ko na siyang pinalayas sa bahay ko. Saktan ba naman ang gaya mo?" Sabi niya na naka-lagay pa ang dalawang kamay sa batok.
Napangiti ako ng tipid.
"Ganun talaga. Hindi lahat ng mukhang matino, matino talaga." Sabi ko.
"Mag-hanap ka na kasi ng iba." Sabi niya. Agad akong napatingin sakanya.
"Wala akong panahon sa mga gago ngayon. Gusto ko nang grumaduate. Umuwi ka na, lumalamig na. Baka mamaya, magkasakit ka pa." Sabi ko sabay tayo. Binuhat ko nalang rin si Bells papunta sa loob.
Napatigil ako nang biglang sumigaw si Chann.
"Wag mong ikulong ang sarili mo at ang puso mo. Marami pang iba jan. Subukan mong mahulog, sigurado akong may sasalo sayo." Sabi niya.
Napangisi ako bago lumingon sakanya.
"Ayoko na, Chann. Nakakapagod mag-mahal." Sabi ko.
Pumasok ako sa loob at iniwan na siya dun sa garden. Matanda na siya. Kaya na niya ang sarili niya.