2

1885 Words
Chapter 2: Chann Rylan Reyes Chann's POV Nasa loob na 'ko ng bahay ngayon. Lumalakas na ang snow sa labas. Pero asar pa rin ako kay Chantelle =___= Bakit kasi hindi niya makalimutan yung gagong 'yun? Andito naman ako? Bakit hanggang ngayon, siya pa rin? "Nandito na kami (^▽^)ノ" (Suho) Napatingin ako sa may pinto. Sina Suho, Lay, Chen, Tao at Milo lang pala =___= "Walang may pakialam (-_- )ノ" Sabi ni Dem na nasa kusina't nag-luluto. "ANG BAD MO NIKODEM! TT^TT" sabi ni Tao sabay takbo sa kusina. "Oh bakit 'di niyo kasama yung iba?" Sabi ko. "Si Kris, kasama yung girlfriend niya. Yung iba, may pupuntahan pa raw. Kilala mo naman yung mga yun diba?" Sabi ni Milo sabay ayos ng makapal niyang salamin.  Pwede namang mag-contact lenses pero nagttyaga sa eyeglasses. Tss =___=  Ganyan naman eh. Mas gusto ng mga taong nahihirapan sa mga bagay bagay. Anjan ka na nga, pero iba pa rin ang hanap. Pucha -____- Parang ang lakas ng pinanghuhugutan ko ah. "Pero December na at ang usapan, kapag malapit nang sumapit ang pasko, walang malalate ng uwi, diba?!" Sabi ko. Pati tuloy sila nadadamay sa inis ko kay Chantelle. Tss. Lakas talaga ng impluwensya ng babaeng 'yun sakin. Kaya mahal ko eh. Hehe. "Tawagan mo nalang kaya. Alam mo namang takot yung mga 'yun sayo eh." Sabi ni Lay. "Inuutusan mo ba'ko? (¬_¬)" Sabi ko. "Hinde ╮(─__─)╭ Sinusuggest ko lang para hindi ka na mamroblema jan." Sabi niya sabay akyat papunta sa kwarto niya. Si Milo, sumama na rin kay Lay na umakyat at pumasok sa kwarto niya. Si Suho at Chen, tinabihan ako dito sa sofa. Si Tao at Nikodem, mukhang nag-rarambulan nanaman sa kusina -___- "Ang init ng ulo mo ah? (~ ̄▽ ̄)~ Binasted ka nanaman ni Chantelle noh?" Sabi ni Chen. "Pakyu (¬_¬)" Sabi ko. "Kalma ka lang, Chann. Darating rin ang panahon na makakalimutan niya si--" (Suho) "Wala akong pakialam kung makalimutan man niya o hinde. Ayoko lang na makita siyang nasasaktan ng ganun." Sabi ko.  Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko para kunin ang susi ng kotse. May mga kumag akong dapat sunduin.  Habang nasa daan ako, 'di ko mapigilan ang 'di isipin si Chantelle. Yes. I'm in love with her. Pero siya? Yung gago pa rin talaga. Kaibigan ko naman yung gagong 'yun pero p*ta lang. Bakit kailangan pa niyang saktan si Chantelle? Nakakainis eh. Wala manlang akong magawa.  Kung ako ang naging boyfriend niya? Hinding-hindi ko siya sasaktan at kahit kailan, 'di ko siya iiwan.  Kahit ganito ako kabarumbado, handa akong patinuin ang sarili ko para sakanya. I can do anything for Chantelle. Matagal ko nang kilala si Chantelle. Mag-mula noong kasama pa niya ang mga magulang niya hanggang sa mag-isa nalang siya sa bahay nila. I want to consider myself as her guy bestfriend, pero ayoko. Trending ang mga lalakeng friendzoned kaya ayokong makiuso =____= - Nang makarating ako sa Badboy's Bar, pinark ko muna ang kotse at pumasok sa loob na may dalang baseball bat. Nang makapasok ako sa loob, as usual. Mukhang bar pa rin ang bar =___= Malamang. Puno ng mga malalanding tao. Mga frustrated dancersna walang alam kundi gumiling at ilapit ang katawan sa kahit na sino. Hinanap ko yung mga kumag at nakita ko sila sa iba't ibang lugar. Si Sehun na may hawak na alak habang nakikipag-landian sa isang babaeng mukhang p****k. Si Kyungsoo na may tinitikma'ng droga (nanaman) =___= Masanay na kayo. Drug Addict 'yang si Kyungsoo. Pero kahit ganyan siya, kaibigan pa rin namin yan. Wala rin naman kaming magagawa, yan yung trip niya eh. Si Frease naman, ayun may kasamang dalawang babaeng mukha namang disente. Si Kai, ayun, kasama si Kyungsoo sa table pero umiinom lang siya. Nag-lakad ako papunta sa table kung saan sina Kai at Kyungsoo. Agad kong hinampas ang hawak kong baseball bat sa mesa. Glass ang table kaya ayun, basag. "Punyeta naman 'pre! Respet--CHANN?! O____O" sabi ni Kyungsoo. "C-Chann.. B-Bakit andito ka? Diba-" (Kai) Pinaghahampas ko silang dalawa gamit ang baseball bat. "Anong akala niyo sakin, MULTO?! Mga punyatero kayo! Anong ginagawa niyo dito ha?! Diba may usapan tayo?!" Sabi ko sabay hampas sakanila ng baseball bat. Medyo malakas para mag-tino. "Sh*t! Ch-CHANN! O___O!" (Kyungsoo) "Aray ko naman Chann! Isusumbong kita kay--" (Kai) "Wala akong pakialam kung high ka. Kahit ilabas mo pa yang mga mata mo, HINDI AKO MATITINAG! At ikaw! SUBUKAN MO LANG MAG-SUMBONG! HALA SIGE! (゙ `-')/LUMABAS KAYONG DALAWA SA BAR NA'TO AT MAG-TUTUOS PA TAYO MAMAYA SA BAHAY!" Sabi ko. Nakita ko naman si Frease at si Sehun na lumapit sa lugar namin kasabay ang dalawang babae. Hindi sila yung babaeng kasama nila kanina. Mga p*ta. Mag-papasko na nga pero mukhang may balak pa silang mantrip ng babae. Tss. "Oh ba't mukhang ang init ng ulo mo, Chann? Wala pa namang 9pm ah? ( ' ▽ ' )ノ " (Sehun) Walanjo. Lasing na ang gago. "Oo nga, Chann. May problema ka ba? Tsaka wag ka ngang mag-eskandalo dito. Bar pa naman natin 'to ╮(─▽─)╭" (Frease) Dahil sa pinagsama-samang inis kay Chantelle at sa mga kumag na 'to. Lumapit ako sakanila. At hinalikan ko ang dalawang babaeng kasama nila. "Pipili nalang kayo ng babae, yung hindi pa marunong humalik. Tss. Dalian niyo at lumabas na kayo habang may katiting na pasensya pa 'ko. Baka mamaya, hampasin ko kayo isa-isa. Tignan ko lang kung may babaeng p****k pa ang lalapit sainyo (¬_¬)" Sabi ko. Napailing lang ang dalawa at walang ginawa kundi sundin ang inutos ko. - Nang makarating kami sa bahay.. "MGA BUWISET KAYO! SINONG MAY SABI NA MAG-BAR KAYO NANG WALA AKO--AY ESTE MAG-BAR KAYO NGAYON HA?! Wala ba kayong kalendaryo sa mga cellphones niyo?! December na oh! Ang usapan natin, dito kayo titira, pwede niyong gawin lahat ng gusto niyo MALIBAN NALANG KUNG SASAPIT NA ANG PASKO! Mga ulol ba kayo? Tanga lang? Bopols? Abnormal? Pa'no kung biglang bumisita dito yung mga terrorista niyong mga magulang? TALAGANG AKO MISMO ANG PAPATAY SAINYO! Mga buwiset!ヽ( )`ε'( )ノ" Sabi ko. Sina Suho, Lay, Nikodem, Chen, Tao, Kris at Milo, nasa may dining at hinihintay na matapos 'tong sermon ko sa mga walangyang 'to. "Eh wala naman Chann eh. Kumalma ka nga! o___o" Sabi ni Kyungsoo. "Wala akong sinabi na mag-salita ka. Gusto mong isaksak ko jan sa lalamunan yung asin pamalit ng shabu na pinapapak mo?! Punyeta ka. Dun ka pa humithit ng droga. Kung biglang may pumasok na pulis at nakita ka dun?" Sabi ko. "Bakit ba ang init ng ulo mo, Chann? (≧◡≦)" Sabi ni Frease. "Gusto mo mas lalo ko pang initin nang mag-kasubukan tayo dito? (¬_¬)" Sabi ko. "Kalma ka lang, Chann. Masyado kang hot ╮(─▽─)╭ Huling gabi na rin naman 'to eh. Titino na kami for how many weeks at pagkatapos ng Christmas break, balik bar na ulit tayo! Diba mga 'pre?!" Sabi ni Sehun. Nakipag-apir naman sakanya sina Frease at Kyungsoo. Si Kai, tahimik lang. Huminga ako ng malalim at napapikit. Kung 'di lang talaga December, kahit hindi na sila umuwi dito, okay lang! Makikisabay pa 'ko trip nila sa pag-punta ng bar. Kaya lang, December na eh. Malapit na ang pasko. Pumayag ang parents nila na tumira sila dito dahil ang alam nila, patitinuin ko sila. Tsaka laging may surprise visit ang mga parents ng mga yan dito tuwing magpa-pasko. Biglang lilitaw at bibisita na walang pasabi. Payag naman ako sa lahat ng bisyo na meron sila. Wala akong pakialam dahil pare-pareho lang kami ng bisyo dito maliban nalang kina Suho, Lay, Tao, Chen, Milo at Kris. Sila ang mga matitino saming labing dalawa. Kami naman 'tong mga nalihis ng landas at ineenjoy ang buhay. Wala eh. Malaya kaming gawin ang kung anumang gusto namin. "Kumain na kayo. Ayusin niyo na yang mga sarili niyo." Sabi ko. Lumabas ako at tumambay sa may bakuran. Puno na agad ng snow yung damuhan. "Taglamig nanaman.. Ilang taon na simula nang iwan niyo'ko.." Sabi ko. Tumingala ako sa langit. "Masaya ba kayo ha? Masaya ba kayo sa buhay ko ngayon? Masaya ba kayo at maaga niyong iniwan ang anak niyo? Masaya ba kayo jan sa langit?" Sabi ko. Pumikit ako at dinama ang bawat snow na dumadampi sa mukha ko. - Kinabukasan.. "Hoy Chann! Gising!" (Chantelle) Sino ba yung tawag ng tawag? =___= "Chann!" (Chantelle) Bahala ka sa buhay mo. Magpakilala ka muna (-_- )ノ "So wala kang balak na gumising?" (Chantelle) Hay. Kung si Chantelle lang talaga ang gigising sakin tuwing umaga, ang mag-papatulog sakin tuwing gabi swak na swa--- O____O Agad akong napabangon nang may naramdaman akong malapot na dumampi sa mukha ko. "PUNYETAAAAAA! LAYAAAAAAAS! (゙ `-')/" Sabi ko. Halos maitapon ko na sa planetang mars 'tong buwiset na aso ni Chantelle. Tangina. PA'NO NAPUNTA 'TO DITO?! "Yan kasi, ayaw mong gumising. Kanina ka pa ginigising ni Chantelle." Napatingin ako kay Milo. "Bakit ba?! Ano bang meron? At akala ko ba si Chantelle yung nanggigising?! EH BAKIT YUNG PESTENG ASO NA YUN ANG DUMILA SA MUKHA KO?! ヽ( )`ε'( )ノ" Sabi ko. "Magsi-simba'ng gabi tayo. Pasalamat ka nalang at pumayag si Chantelle na sumama tayo sakanya (^_^)" Sabi ni Suho na ka-aga-aga, nakangiti na =___= Buwiset. Ang bakla niyang tignan. "Sina Nikodem? Gising na rin ba? =___=" Sabi ko sabay kusot sa mata ko. "Asa ka pang sasama yung mga yun. Kalahi mo sila eh. Malademonyo rin ang ugali. Oh ano? Nganga ka nalang ba jan? Pag tayo naubusan ng upuan dun, MAKAKAPATAY AKO NG INIDORO!" Sabi ni Chantelle na buhat buhat na yung walangyang Bells na yun. Magkano kaya ang makukuha ko kung ibebenta ko yang aso na yan? =___= Epal eh. "Chantelle naman (╯3╰) Heto na nga eh. Mag-bibihis na (¬‿¬) Pwera nalang kung gusto mo ikaw ang mag-bihis sak---" *POK* TT____TT Peste. "Baka gusto mo pati 'tong isa ko pang heels, itapon ko rin sayo? Dalian mo na. Mala-late na tayo." Sabi niya sabay labas sa kwarto ko. Lumabas na rin yung iba. Sa totoo lang, hindi ako yung tipo na pala-punta sa simbahan. Dahil para sakin, ang simbahan, para sa mga taong may masayang pamilya lang. Lakas lang talagang maka-good-influence 'tong si Chantelle eh. - Nang makababa ako.. "WAG MONG SABIHIN NA SASAMA YANG BELLS NA YAN SA SIMBAHAN?! O___O" Sabi ko.  Pano ba naman, hawak hawak pa rin ni Chantelle yung pesteng Chowchow na Bells na yun. BAWAL ANG HAYOP SA SIMBAHAN!  "Wag kang bitter sa aso, Chann. Aso lang yan. 'Di yan yung ex niya (≧ω≦)" Sabi ni Chen. "Sh*t! Pano ka napunta sa tabi ko?! O___O" Sabi ko. Nakaka-gulat eh. Bigla nalang lilitaw. May lahing abnormal ba 'tong si Chen?! "Secret. Kekeke (¬‿¬) Oh tara na!" Sabi niya sabay akbay sakin. Bumaba kami ng hagdan at lumabas na ng bahay. Iniwan ni Chantelle yung pesteng Bells na yun sa garden namin dito (SALAMAT NAMAN SA DIYOS!) Sumakay na kami ng kotse at akmang aalis na ng may sumigaw. "Teka. Sasama ako! (~ ̄▽ ̄)~" Sabi ni Kai. "Wow. Anong meron? Ito na ba yung panahon kung saan magiging mabait na ang mga demonyo? =___=" Sabi ni Chantelle. Sumakay si Kai at tumabi kay Chantelle. "Hindi naman ako demonyo, Chantelle eh (╯_╰) Talagang nahawa lang kami kay satanas (¬‿¬)" Sabi ni Kai sabay tingin sakin. "Gusto mong ipakilala kita kay kamatayan nang mahawa ka rin sakanya? (¬_¬)" Sabi ko. "'To naman! Biro lang eh. Chantelle oh! (╯3╰)" Sabi niya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Chantelle. Buwiset. BAKIT KASI CLOSE SILA NI KAI?! ~_____~ Isa pa 'tong si Kai eh. Gamitin ba naman yung kahinaan ko sakin? Walangya. Pektusan ko siya eh. - Nang makababa kami ng kotse ay halos sabay sabay kami na pumasok sa loob ng simbahan. Hinawakan ko ang kamay ni Chantelle at hinigit siya palapit sakin. "Sabi ko naman sayo eh. Handa akong maging santo basta para sayo." Sabi ko sabay kindat sakanya. "Bobo. Wala kang sinabi =___= Itigil mo na yang kalokohan mo, CR. Pumasok na tayo." Umiling siya at tuloy-tuloy nang pumasok sa simbahan. Chantelle.. Kaya kong baguhin lahat para sayo. Sana naman, bigyan mo 'ko ng pagkakataon.. Naglalakad ako paloob nang mapatigil ako. Nakita ko si Kai na nasa harapan ko at sa likod niya pala 'ko sumalpak. Nakita ko sina Lay, Chen, Nikodem, Tao, Milo at Suho na nakaupo na. "Tangina Kai! Kanina ka pa ah! Ano--" Natigil ako nang magsalita si Kai. "Mukhang 'di maganda ang mangyayari ngayong unang araw ng simbang gabi ah." Sabi niya. Nakakunot noo ko siyang tinignan. Tinignan ko naman yung tinuro niya gamit ang nguso niya. O___O Nak ng. PA'NO SIYA--BAKIT SIYA ANDITO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD