@FemaIeThings: "Being strong doesn't mean you'll never get hurt. It means that even when you do get hurt, you'll never let it defeat you." - Chapter 20: Baby Kesley 3rd Person's POV Nagulat si Suho nang mag-salita ang bata at yakapin siya nito sa kanyang binti. Kung tatantsyahin, nasa lima o anim na taong gulang palang ang bata. "D-daddy?" Sabi ni Chantelle. Hindi nakapag-salita agad si Suho. Hindi niya alam kung anong unang gagawin. Kakausapin ba si Chantelle at mage-explain, o kakausapin ang bata na bumalik sa loob ng bahay. "Daddy. Pwede bang dito ka muna matulog? Miss na miss na kita. Ngayon ka nalang ulit naka-bisita~" sabi ng bata. "Kes, pumasok ka muna sa loob ha? May kakausapin lang si Daddy." Sabi ni Suho. Tinignan naman ng bata si Chantelle. "Sino siya Daddy? Siya

