Chapter 64: All for love 3rd Person's POV "Rayne.." sambit ni Chantelle. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya nang makita ang dalaga na nasa harapan niya. Si Chann naman na nasa kabilang linya ay 'di mapakali dahil natatakot rin siya na baka kung anong gawin ni Rayne kay Chantelle. Nabanggit na sakanya minsan ni Ria ang ginawa ni Rayne noong may reunion sila. Na nilasing siya nito. Natatakot lang siya na dahil sa pagmamahal sakanya ng dalaga ay baka anong gawin nito kay Chantelle. When you love someone, lahat gagawin mo. Kahit pa ang mga bagay na 'di mo inakalang magagawa mo. "Chantelle! Chantelle! D-amn it!" sigaw ng binata sa kabilang linya. Ngunit 'di siya sinasagot ng dalaga at sa halip ay inend ng dalaga ang linya sa pagitan nilang dalawa. Sinubukan niyang tawagan ang

