"When you go looking for love, you will not find it, when you slow down, relax and just be yourself, love will find you." -Anonymous.
-
Chapter 6: Chen
Chantelle's POV
What to do next? What to do?
Nakakapagod naman mag-isip oh. Tss.
Nasa mall ako ngayon at halos mamatay na ako sa hilo dahil sa dami ng tao. Iba talaga kapag Christmas Season. Ang daming mayayamang lumalabas sa lungga nila at namimili ng kung anu-ano ╮(─_─)╭
3 days nalang at pasko na kaya heto ako, namimili ng i-pangreregalo sa labing dalawang ugok na yun.
Kahit papano naman, mabait rin sila sakin. Kahit ganun sila, wala naman sigurong masama bigyan ng regalo diba?
Kakatapos ko lang nga mamili eh. Ngayon nga ay nag-iisip ako kung anong susunod na gagawin dito sa mall. Ayoko pa kasing umuwi eh.
>_____>
Chen! Anong kailangan mo? Mag-isa ka lang?" Sabi ko. Bah malay ko ba kung may kasama 'to.
"Grabe ka naman. Pag ba tinawagan ka, may kailangan agad? (≧ω≦) Haha. Kasama? Oo meron! Heto nga oh! Katabi ko. Say hi!" Sabi niya
=_____=
"Pwede ba Chen? Kung mamimilosopo ka, yung nakakatawa naman. Ang korny eh. Teka. Anong ginagawa mo dito sa mall? Namimili ka rin ba?" Sabi ko.
"Hindi. Namamasyal lang ako. Masyado akong binubully sa bahay eh =___= Tsaka, malay mo, makilala ko soulmate ko dito. Baka mamaya, makabangga ko yung babaeng para sakin. Nakakabuwiset na kasi eh ('ヘ`;) Ilang taon na akong humihinga sa mundong ibabaw pero wala pa rin akong girlfriend." Sabi niya.
Ayy oo nga pala. Dakilang loveless 'tong mokong na'to.
Pero teka, bakit ba kailangang problemahin ang status ha? Ano ba'ng masama sa pagiging single?
Ang saya kaya! o(≧o≦)o
-
Heto kami ngayon. Pinag-titripan ang bawat babae na dumadaan.
Sabi niya eh. Tsaka joke lang raw yung tungkol sa soulmate chuchu niya.
Yung mga ganun raw kasi, hinihintay, hindi hinahanap.
"Chantelle naman eh! Pwede yung medyo maputi naman? Ang itim naman niyan eh! (≧ω≦)" Sabi ni Chen.
"Oh 'yan. Maputi legs, maputi lahat (¬_¬)" Sabi ko sabay nguso sa babaeng nakatayo sa may 'di kalayuan samin.
Nasa isang cafe kami ngayon dito sa loob ng mall. Pareho kaming bored kaya ayan.
"Naman Chantelle! Maputi nga, mukhang kabayo naman. Wag yan! Ayokong magkaroon ng anak na hayop (╯3╰)" Sabi niya.
*PAK*
Binatukan ko nga. Kanina pa siya ganyan eh =___= Ang daming arte, pero talagang natatawa ako sa mga side comments niya sa mga babae.
Kung hindi skin color ang problema, mukha naman.
Astig nitong si Chen. Lakas man-trip!
"Gago! Hahaha. Ang choosy mo." Sabi ko.
"Bah! Dapat lang! Kay tagal kong naging single at nag-hintay ng babaeng mamahalin, tapos pipili pa 'ko ng panget? Ang tinding pasakit naman nun ( ̄へ ̄)" Sabi niya.
"Whoo. Grabe. Hiyang-hiya ako sa kagwapuhan mo! (¬_¬)" Sabi ko.
"HOY CHANTELLE! ANG SAMA MO HA! (╥_╥)" Sabi niya.
"Uyy! Na-gets mo! Hahaha! 'To naman! Binibiro ka lang eh." Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.
Hindi naman siya gwapo eh. Ang manly nga ng features niya. Siguro hindi lang siya yung type ko kaya para sakin, 'di siya gwapo.
Iba iba kasi ang tipo ng bawat tao eh.
"Yun na nga ang problema. Hindi na nga gwapo, mag-hahanap pa ng panget. Kamusta naman yun, Chantelle? Anong gusto mong maging itsura ng magiging anak namin? Chakadoll? (╯_╰)" Sabi niya.
Walangya talaga 'to -______- Siya na mapanglait.
"Yun oh! Maganda! Maputi." Sabi ko.
"Pandak naman -_____-" sabi niya.
"Tae naman, Chen! May heels naman eh! =_____=" Sabi ko.
Napatingin lang siya sakin. Yung bang TITIG NA TITIG.
"Anong problema mo? -____-" sabi ko.
"Pano kung.. Ikaw nalang? (¬‿¬)" Sabi niya.
*PAK*
"TANGINA CHANTELLE! HINDI BA USO SAYO ANG JOKE HA?! LAKI BA NAMAN NG TAKOT KO KAY CHANN EH. KAHIT IKAW PA ANG NAG-IISANG BABAE SA MUNDO, 'DI KITA PAPATULAN DAHIL AYOKONG MAMATAY NG MAAGA LALO NA'T SINGLE PA'KO NOH! (゙ `-')/" Sabi niya.
Tss.
Napaiwas ako ng tingin at ininom yung frappe na inorder ko.
*sigh*
"Oh bakit natahimik ka jan?" Sabi ni Chen.
"Walaaaa~" sabi ko.
"Sus. Meron eh. May problema ba? May problema ba kayo ni Chann?" Sabi niya.
O___O
=____=
"*ehem*ehem* Bakit ka nga pala loveless? Wala ka bang naging girlfriend manlang? May nangyari bang masama sa past mo?" Sabi ko.
Sana naman, mahalata niya na AYOKONG gawing topic yung inidoro'ng yun =___= Bakit? Wala lang. 'Di ko feel.
Nakita kong nag-bago ang expression ni Chen at napangisi ng tipid.
Ngayong college ko lang kasi nakilala't naging kaibigan si Chen eh. Sa pag-kakaalam ko, mag-kakilala na sila eversince nina Chann. Yung iba naman, schoolmates ko lang noon, kaya kakilala ko na rin.
"Ewan ko ba, Chantelle. Siguro, tama ka. Hindi ako gwapo kaya walang nag-kakagusto sakin." Sabi niya.
"Huy Chen, joke lang naman yun eh. Hindi naman yun--"
"No, Chantelle. Yun talaga eh. Dati, may ilan akong niligawan sa school namin. Kaya lang, ayaw raw nila sakin dahil hindi ako kasing gwapo nina Frease." Sabi niya.
"Wag mo ngang i-kumpara ang sarili mo sa iba. 'Di porke--"
"Ganun noong highschool ako, Chantelle. Kami nina Frease, Sehun at Tao ang laging mag-kasama noon. Sila nga yung laging nilalapitan eh. Sila yung laging may natatanggap na regalo kung kani-kanino tuwing Valentines. Ako? Ayun. Nganga." Sabi niya.
Kinuha niya yung frappe niya at uminom pagka-tapos ay tumingin sa labas kung saan madaming tao ang nagla-lakad at namimili.
"'Di ko na kailangan i-kumpara ang sarili ko sa iba dahil ibang tao na mismo ang gumagawa nun. Ang saya noh? Tsaka, joke lang naman talaga 'tong pag-hahanap natin sa soulmate ko eh. Ayoko siyang hanapin. Baka mamaya, 'di siya dumating." Sabi niya.
Ang alam ko lang kasi, si Chen yung isa sa makukulit sakanila. Siya yung parang walang problema kundi lovelife lang. Siya yung isa sa mga good influence. Pero.. 'Di ko naman ineexpect na ganito pala..
Na lagi pala siyang kinukumpara sa iba.. Na kaya pala wala siyang girlfriend ay dahil sa tingin nila ay panget siya..
Nakaka-guilty tuloy .____.
"Nakaka-inis nga eh. Kung sino pa yung panget, siya pa yung gustong mag-karoon ng maganda't gwapo na jojowain." Sabi niya.
"Chen, hindi ka naman panget eh. Okay, I admit. Hindi ako na-gwapuhan sayo, pero, that doesn't mean na hindi ka na gwapo. Iba-iba ang tipo ng tao. Pwedeng 'di ka type ng isa, pero meron 'ring someone that will trade everything just to be with you." Sabi ko.
Hinawakan ko ang kamay niya for comfort.
"Tsaka, 'di naman itsura yung basehan eh. Ang itsura, ngayon lang maganda yan. Gagaspang rin yan. Pero ang ugali? Yan ang kailanga'ng maramdaman at makita para magustuhan ka ng isang tao." Sabi ko.
"Chantelle.." Sabi niya.
-
Chen's POV
"Wag ka ngang mag-drama jan. Hindi bagay eh. Oh tara na! Pasyal tayo. Malay mo, baka makilala mo na ngayon yung babaeng para sayo." Sabi ni Chantelle.
Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon.
Yung mga nangyari noon.
Yung mga sinabi ni Chantelle
At madami pang iba..
Medyo taliwas kasi ang paniniwala ko sa sinabi ni Chantelle eh.
Alam niyo yun? Kahit naman anong gawin natin, itsura pa rin ang laging basehan kung bakit tayo naa-attract sa isang tao.
Sabihin niyo nga, kung isang taong grasa ba ang nanligaw sainyo, papayag ba kayo? 'Diba hinde?
Kahit gaano pa ka-ganda ng ugali ng isang tao, kung puro itsura lang ang laging nakikita, wala 'ring mangyayari.
Kaya nga, hindi na ako nag-aabalang mag-hanap. Paano kung nahanap ko siya pero 'di naman siya attracted sakin? NGANGA DIBA?
Tskaa joke joke lang naman talaga 'tong pag-hahanap namin ng soulmate ko. For fun lang.
Pero alam niyo bang kahit 5%, umaasa ako na mahahanap ko yung soulmate ko?
Malay niyo naman diba?
Pero, masaya kaya maging single! ヽ(;▽;)ノ
Walang kokontra sayo. Walang gastos. Walang sisigaw sayo. Walang magagalit nang walang dahilan.
In short, walang problema!
Tsaka, kung darating, eh 'di darating. 'Di ko naman pwedeng i-pilit eh.
Dahil kung ipipilit ko, baka maling tao pa ang makilala ko.
Bigla akong hinigit ni Chantelle patayo kaya ayun..
May nakabuhos sakin ng kape.
Ano ba naman 'to. Malungkot na nga yung pasko ko, puro kamalasan pa ang nakukuha ko ;___;
"Nako Sir! Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Sabi nung waitress.
Siguro nasagi ko yung dala-dala niyang kape kanina kaya ayan.
Si Chantelle naman kasi eh. =____= Bigla bigla nalang nanghihila. Tss.
Kumuha yung waitress ng tissue at pinunas sa damit ko.
Hindi naman natanggal yung mantsa eh =___= Lalo lang kumalat. Tss.
Pinigilan ko siya mula sa pag-punas.
"Hinde.. Okay lang.." Sabi ko.
"Nako. Lagot ako pag nalaman 'to ng boss ko. Baka mamaya, sisantehin ako. Pa'no na'ko makakabili ng regalo sa crush ko niyan? Tss. Naman eh." Sabi niya.
"Nako, Miss. Oka---"
Nahawakan ko ang kamay niya'ng pinupunasan ang damit ko kaya pareho kaming napa-angat at napatingin sa isa't isa.
*Now Playing: Deer in The Headlights by: Owl City*
♪♫ Met a girl with a graceful charm,
But when beauty met the beast he froze.
Got the sense I was not her type
By black eye and bloody nose,
But I guess that's the way it goes ♪♫
Hindi siya ganun ka-ganda pero, 'di ko alam kung bakit ang lakas ng dating niya.
Tsaka bigla akong kinabahan.
Multo ba 'tong waitress na 'to?
"C-chen?" Sabi niya.
O_____O Kilala niya 'ko?
Kunot noo ko siyang tinignan. Take note, 'di ko pa rin binibitawan yung kamay niyang nasa may dibdib ko ngayon. Dun kasi nabuhos yung kape eh.
"Pa'no mo'ko nakilala, Miss? o___o" Sabi ko.
Lalong lumaki ang mata niya at napa-lunok pa. Shet lang. Bakit parang ang sexy tignan?
♪♫ Tell me again was it love at first sight
When I walked by and you caught my eye.
Didn't you know love could shine this bright?
Well smile because you're the deer in the headlights ♪♫
"Ah-eh.."
"Mis--"
"Naku Sir! Sorry po talaga." Sabi nung babae. I guess, siya yung manager dito. "Chloe naman! Ang tanga mo. Tignan mo yang ginawa mo sa polo ni Sir! Tss. Nung nakaraan, tulala ka at puro "Chen" pa ang mukambibig mo. Tapos ngayon? Tss. Kung wala ka rin naman magawang matino, mas mabuti pang sisantehin na kita ngayon palang." Sabi nung manager.
Teka. Ano raw? Puro Chen?
"Maam naman. Wag naman po. Kailangan ko p---" (Chloe)
"Mag-rereklamo ako kung sisisantehin niyo siya ngayon." Sabi ko.
Napatingin sakin si Ms. Waitress. Pero ako, kanina pa 'di matanggal ang tingin ko sakanya.
May something sakanya na 'di ko ma-explain.
"Ah-Sir Ch--" (Chloe)
"At mag-rereklamo ako kung 'di ka sasama sakin ngayon. Mahirap na. Baka mamaya, ikaw na pala.." Sabi ko.
Nakita ko siyang namula.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinigit palabas ng cafe.
'Di ko din alam kung bakit ko 'to ginagawa =____=
Basta pakiramdam ko na kung papakawalan ko siya ngayon, baka pag-sisihan ko ng matindi.
♪♫ It's suffocating to say,
But the female mystique takes my breath away.
So give me a smile or give me a sneer,
'Cause I'm trying to guess here ♪♫
"Jusko naman, Chen! Bitawan mo'ko! May trabaho pa'ko." Sabi niya.
Napatigil kami sa gitna ng mall. Sakto pa sa tabi ng malaking Christmas tree.
"Sabihin mo nga sakin, pano mo'ko nakilala? Tsaka sino yung Chen na tinutukoy ng Boss mo?" Sabi ko.
"Ah--Eh.. Naging classmate kita noon sa Philo. Tsaka.. Ano--Uhm. AY BASTA! Kailangan ko nang umalis." Sabi niya.
Tinalikuran niya ko't nag-lakad paalis nang hawakan ko ang braso niya.
"Kung 'di ako nag-kakamali, Chloe ang pangalan mo at hindi Cinderella kaya wag kang tumakbo palayo." Sabi ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata.
♪♫ Tell me again was it love at first sight
When I walked by and you caught my eye.
Didn't you know love could shine this bright?
I'm sorry I ever tried, deer in the headlights ♪♫
-
3rd Person's POV
Nasa tabi lang si Chantelle habang pinagmamasdan si Chen at yung babaeng nakabuhos sakanya ng kape kanina sa Cafe.
"Alam mo bang crush na crush ng babaeng yan si Chen?" (Chann)
Halos mapatalon sa gulat si Chantelle. Napatingin siya sa kaliwa at nakita niya si Chann na pinagmamasdan rin ang dalawa na ngayon ay parang nag-uusap.
"Ang alam ko, nag-papart time job siya para mabigyan si Chen ng regalo ngayong pasko. Inlove na inlove yan kay Chen eh. Kaya lang, mukhang ngayon lang sila pinagtagpo ng tadhana." Sabi ni Chann. Tinignan niya si Chantelle at nginitian.
"P-paano mo naman nalaman na may gusto yung babae kay Chen?" Sabi ni Chantelle.
"Simple lang. Classmate ko yan eh. Sakin pa nga nag-papatulomg. Ako raw mag-aabot ng regalo niya para kay Chen =____=" Sabi ni Chann.
"Eh gago ka pala eh! Alam mo bang namomroblema yang si Chen sa lovelife? (゙ `-')/ Tapos may kakilala ka naman pala na may gusto sakanya, ni hindi mo manlang tinulungan!" Sabi ni Chantelle. Pinilit nitong batukan si Chann kaya lang hinigit siya nito.
Kaya ngayon, ayan. Iilang pulgada nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"Hayaan mo na ang tadhana ang gumawa ng paraan. Kung sila talaga, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mapag-sama sila. Diba mas maganda yun? Tsaka walang thrill kung mangingialam ako." Sabi ni Chann.
Si Chantelle naman, ayun. Halos 'di makagalaw sa posisyon niya. Isang maling galaw lang, mahahalikan na siya ni Chann.
"Tara na! Gumagabi na ( ' ▽ ' )ノ" Sabi ni Chann. Hinigit niya si Chantelle palayo sa scenaryo'ng nagaganap between Chen and Chloe.
"Hoy inidoro'ng epal! San mo'ko dadalhin?! Tsaka bakit andito ka sa mall ha?! \(*`∧')/" Sabi ni Chantelle.
"Ituturo ko sayo ang daan papunta sa puso ko nang 'di ka na maligaw (¬‿¬)" Sabi ni Chann sabay kindat kay Chantelle.
Agad siyang binatukan ni Chantelle.
"Gago! Umayos ka nga! Lintek naman---" (Chantelle)
"Andito ako para sunduin ka. Wala ka kasi sa bahay mo eh. Tsaka, baka makapatay ako ng tao sa bahay ko. Lintek kasi si Kyungsoo. Bigyan ba naman ako ng CD na may lamang p**n?! ~____~ Tss. Kaya mas mabuti pang sundan kita dito kaysa manatili doon. Ang boring eh." Sabi ni Chann.
"Eh pano mo naman ako nahanap? (¬_¬)" Sabi ni Chantelle.
Napangisi si Chann. "May Chantelle radar na kasi ako sa puso't isip ko eh. Kaya kahit saan ka man mapadpad, kaya kitang sundan. Kaya wag kang mag-alala, kung malagay ka man sa panganib? Asahan mong andun ako para sagipin ka." Sabi ni Chann.
Palihim na napangiti si Chantelle.
Pero napailing siya at inayos ang sarili niya.
"Hindi pwede 'to." (Chantelle)
Pero imbes na batukan at iwan si Chann, nag-hila pa rin siya dito at sumama sa kahit saan man siya balak dalhin ni Chann ngayon.
• • • • • • • • • • • • • • • •
Lesson: Tayo kasi, hanap tayo ng hanap ng wala pero hindi natin nakikita kung ano yung anjan. Paano naman natin malalaman diba? Ang dami kasi nating gusto. Ang dami nating demands. Another is, so what kung single diba? At least, may panahon tayo para mahalin ang sarili natin. Tsaka darating rin ang taong nakalaan satin unexpectedly. Hindi man maging katulad sa nangyari kay Chen at Chloe, pero ganun talaga eh.
Love comes when you least expect it.
In Chen's case, sino ba namang makakapag-sabi na pinagtagpo si Loveless at si Babaeng may crush kay Loveless diba? :)
Kung single man tayo..Ang dapat natin gawin? Mag-hintay :) Mas okay na yung single ka kaysa patuloy kang nasasaktan sa maling tao diba? *smiles*