Chapter 60: Second Option 3rd Person's POV Nasa garden pa rin si Frease at nagmumuni-muni. Hindi siya nagtangkang sundan si Ria sa loob pagkatapos ng sagutan nilang dalawa. "'Tol.. 'Di mo naman nabanggit na may nakaraan pala kayo ni Ria." Sabi ni Tao. Umupo ito sa tabi ni Frease sabay lapag ng dalawang bote ng alak sa mesa na nasa harapan nila. "Ang chismoso mo =_____=" Sabi ni Frease. Kumuha ito ng isang bote at uminom agad. "Gago. Eh rinig na rinig dun sa loob eh. Anong akala mo sa condo'ng 'to, soundproof? ╮(─▽─)╭" Sabi ni Tao. Hindi umimik si Frease at pinagpatuloy lang ang pag-inom ng alak. "Kaya ba ayaw mong bumalik sa Pinas? Kaya ba kinamumuhian mo 'tong bayang sinilangan mo? (-'_'-)" Sabi ni Tao. "Isa pa, Tao. Tatamaan ka na sakin (¬_¬)" sabi ni Frease. "'To naman. Pero se

