CHAPTER 31 Fashion show HINDI ako nakatulog pagkatapos ng araw na ‘yon. Bukod kasi sa katotohanang unti-unting tinutupad ni Phoebus baby ko ang list na gawa ng dati kong sarili, kinabukasan na rin ang CL’s Fashion Show. Sino ba namang makatutulog kapag gano’n? Kaya ang ending, sobrang laki ng eye bags ko. Parang gusto kong bugbugin ang sarili no’ng nakita ang pagkalaki-laking itim sa ilalim ng mga mata ko! Sunday ngayon at kailangan ay maaga kami sa venue. Rito lang sa Pilipinas gaganapin ang CL’s Fashion Show pero mayro’n din daw sa September sa Milan naman. Kahit gano’n, mayro’n pa rin daw bigating guests like models from different countries. Mas nakakakaba tuloy! Sana lang talaga ay hindi ko mabigo si Miss CL. Kulang man sa tulog, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng excitem

