CHAPTER 30 Dalawa HINDI pa rin ako makapaniwala. Simple lang ‘yon pero ang laki ng pagdududa ko. Seryoso ba talaga? Nagkabanggaan ba talaga kami ni Phoebus nang aksidente? Hindi ba kagagawan ‘to ng future self ko? Sinubukan kong lingunin ang paligid at nagbaka sakaling may makitang kamukha ko pero wala talaga. Dahil do’n, hindi ko na naman napigilang umasa na baka kami talaga ni Phoebus ang para sa isa’t isa. “Mikaia,” tawag ni Phoebus na nagpakaba sa ‘kin. “Can we talk?” Bakas sa asul niyang mga mata ang paninimbang. Hindi ko naman maiwasang hindi magulat sa sinabi niya. Bago pa man ako makasagot, may mabilis nang umakbay sa ‘kin. “I found you,” natatawang pag-epal ni Neon. Gusto ko siyang samaan ng tingin sa pagpigil niya sa love life ko pero napukaw ang atensyon ko ng naging

