CHAPTER 6 Matchmaker "GISING ka na. Mabuti naman." Napamura ako pagkadilat na pagkadilat ko pa lamang. Napalingon ako sa bawat sulok ng aking kwarto at doon ay nakita ko ang babaeng mukhang fairy ang itsura. Wala nga lang siyang pakpak. Nakaupo ito sa may bintana ng kwarto ko. Pinuno ko ng pagpipigil ang sarili na tumili. Nananaginip ba ‘ko? Bangungot ba ‘to? Pero hindi eh! Hinawakan niya kanina ang mukha ko! Tinitigan ko siya. Hindi naman siya mukhang nakakatakot. Sa katunayan nga ay mukha siyang mabait. Ang mata niya’y hugis almond. Isama mo pa ang kulay nitong brown. Ang cute ng mata niyang maliit ang eyelid. Ang labi niya’y manipis na babagay sa mga inosente. Nakasuot siya ng pink na dress at ang ayos ng mukha niya ay mala Tinkerbell. Kaya naman nasabi ko na mukha siyang isang f

