CHAPTER 5 Cupid's Dating Agency "WHAT did you do to yourself, Mikmik?!" Napapikit ako dahil sa sigaw sa akin ni Raeyoo. Napatigil tuloy ako sa pagdampi ng hot compress sa aking ulo. "Raerae naman. Ang lakas ng boses mo. Ang sakit sa tenga—" pagsaway ko sa kanya na hindi naman niya pinansin. "Neon, what happened to her?" seryosong tanong ni Raerae kay Neon na nakahiga rin sa isa pang bed habang dinadampian din ng hot compress ang kanyang pisngi. Nakasimangot si Neon na lumingon sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin gaya nang ipinupukol sa kanya ni Raerae. Dahil doon ay napahagalpak na naman siya sa tawa. Ngayon, nandito kami sa clinic dahil sa nangyari sa 'min, sa bukol ko at sa pagsuntok ko sa kanya. Akala ko nga ay makakasama ko ngayon dito si Phoebus pero ang asungot na

