CHAPTER 4
Third Bullet
“MAPUPULOT niya ang gamit ko at ibabalik niya sa ‘kin?” kunot noo kong basa sa third bullet ng list.
Maaga akong pumasok ngayong araw at hindi na hinintay pa si Raeyoo para lang magplano kung ano nga ba ang dapat kong gawin para maisakatuparan ang third bullet. Hindi kasi ako makapag-isip sa bahay. Plus, I need to plan na kung saan alam ko dapat kung saan magaganap ang gagawin ko.
Siguro’y kung may makakaalam kung anong ginagawa ko ngayon, malamang magc-creepy-han sila sa ‘kin. Para ba naman kasi akong nagpa-plano ng perfect crime eh.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench katapat ng building niya Phoebus. Mamaya, ita-try kung umakyat sa building nila.
Muli kong itunuon ang utak sap ag-iisip ng plano. Dapat ay ‘yung mapupulot niyang gamit ko ay may pangalan para alam niyang akin! Kaso anong gamit? Pa’no kung hindi niya naman pansinin or kaya naman ay ibigay niya lang sa lost and found? Kailangan kong makasiguro na siya mismo ang mag-aabot sa ‘kin ng gamit ko!
Nagsulat ako ng mga posibleng gamit na pasok sa third bullet gamit ang scratch notebook ko. Sinulat ko ang ID, wallet, at filler na siyang gamit naming ngayon pamalit sa notebook.
First, ID! Hinubad ko ang ID kong nakasabit sa leeg ko para tignan kung p’wede ko bang magamit kaso unang sulyap ko pa lang ay parang gusto ko nang ihagis palayo.
Napakapangit ko sa ID picture! ‘Yong buhok ko, parang pinamugaran ng ibon sa sobrang g**o at kingki habang ‘yung ngiti ko’y parang natatae.
Naalala ko tuloy no’ng picture taking. Nakatirintas kasi ang buhok ko no’n. Talagang nag-ready ako para sa ID picture. Ang kaso, sumabit ‘yong tali ko sa bag ni Raeyoo kung kailan ako na ang pi-picture-an. Aayusin ko pa sana kaso hindi na ‘ko pinayagan dahil mahaba raw ang pila. Ayon tuloy. Sobrang g**o ng picture ko.
Kaya naman mukhang natatae ang ngiti ko ay dahil sa natatae na talaga ako. Pinipigilan ko lang. plus, naiiyak pa ‘ko no’ng turn ko na. Isa talagang bangungot ‘yong araw na ‘yon!
Okay so, hindi ko p’wedeng gamitin ang ID ko dahil baka isumpa pa ‘ko ni Phoebus sa itsura ko. Next, wallet.
Kinuha ko ang wallet sa bulsa para tignan. Itong wallet na gamit ko ay bigay pa ng kaibigan kong si Ara noong high school. Hindi naman kasi ako sanay mag-wallet dahil hindi rin naman ako palabili rito sa school. Mahal kasi ang bilihin dito na animo’y nasa Disney Land. Kaya naman nagbabaon na lang ako ng kain.
Ang brown leather kong wallet ay nababakbak na. Peke lang kasi ‘to at nakuha ko lang noong nag-exchange gift kaming tatlo ng mga kaibigan kong sina Sally at Ara noong mga grade 7 pa lang kami. Ngayon ay hindi ko na sila madalas makita kahit sa parehong school pa rin naman kami nag-aaral dahil nga sobrang busy na at magkakaiba kami ng course.
Iniopen ko ang wallet ko at tumambad sa ‘kin ang 150 pesos kong pera. Parang gusto kong manlumo sa laman ng wallet ko. Nakakahiya naman kapag nakita ‘to ni Phoebus! For sure libo-libo ang pera niya sa wallet niya! Itong 150 na ‘to, ipon ko pa ‘yan simula nang nagsimula ang pasukan eh!
Sa loob din ng wallet ko’y nakatago ang list pati na rin ang pinakamaayos kong picture. P’wede sana ‘tong wallet ko kaso lang ay walang pera.
Okay. Last resort ko ay ang filler ko.
Kinuha ko ang filler sa kulay red na jansport kong bag na bilang lang ang laman. Sunod ay tinignan ko ang bawat pages ng filler ko.
Dahil sa kasisimula pa lang ng second semester, kaunti pa lang ang sulat ko. Ang problema pa ay napakapangit pa ng sulat ko na animo’y doctor. Pero may feeling ako na pati doctor ay hindi mababasa ang sulat ko.
My gosh! Wala na ba talagang ibang choice?!
Sa sobrang lugmok ko ay napagpasiyahan kong puntahan na lang muna ang building at classroom ni Phoebus sa first subject niya. Nakuha ko ang schedule niya kagabi dahil sa nagpost ang dati kong kaklase at pinagmamayabang na kaklase niya raw si Phoebus sa lahat ng subject. Dahil med’yo close ko naman ‘yon ay binigay niya sa ‘kin ang schedule niya.
College of Arts and Letters. ‘Yon ang pangalan ng building nila Phoebus dahil Bachelor of Arts in Performing Arts ang course niya. Oh, ‘di ba ay alam na alam ko? Future forever eh.
Napangisi ako sa naisip bago umiling at umakyat patungo sa first room niya.
5:30 pa lang ng umaga kaya wala pang masyadong tao. Med’yo creepy pa nga eh. Pero para sa love life ko, keri lang. Nang nakarating ako sa floor nila, sobrang tahimik. Ang hallway ay nakakatakot dahil med’yo madilim pa. Wala naman akong narinig na nakakatakot na story about sa building nila pero hindi ko maiwasang mag-imagine.
Isama mo pa ang malamig na hangin dahil sa January ngayon. My gosh! Mamaya na lang kaya?
Balak ko na sanang bumalik pababa nang biglang may humawak sa isa kong balikat. Automatic akong napatalon at napahiyaw na nag-echo sa buong hallway nitong third floor. Halos maputol ang litid ko sa lakas ng sigaw ko habang sinabayan naman akong humiyaw ng taong humawak sa ‘kin. Siguro’y nagulat din sa biglaan kong pagsigaw.
“Ano ba?!” asik ko dahil sa ginawa niya. Siya ‘yong lalaking nag-interrupt sa ‘min ni Phoebus noong Monday! “Ba’t kailangan mong hawakan ang balikat ko?!”
Imbis na sagutin ako ay humalakhak lang siya habang hawak ang kanyang t’yan. Familiar na familiar ang ginawa niya dahil ganito rin ang naging reaksyon niya no’ng unang pagkikita namin.
May sapak talaga! Parang kanina’y napasigaw rin siya sa gulat ah?
Sa inis ko’y tinulak ko siya palayo. Napaatras lang siya ng kaunti pero dahil do’n ay humina ang tawa niya.
“Sorry! Can’t help it. You’re so funny!” aniya na ikinahulog ng panga ko.
Akala niya yata ay ikatutuwa ko ang pagtawag niya sa ‘kin ng funny. Ang totoo’y nakakainis! Mukha ba ‘kong joke?!
“Leche!” singhal ko bago nagdadabog na linampasan siya at balak nang bumaba.
Mamaya na lang ako babalik kapag wala na ‘tong asungot na ‘to. Kung bakit ba naman kasi nandito na naman siya? Sinusundan niya ba ‘ko? Siguro, may gusto siya sa ‘kin? Kung gano’n, kailangan ko na talagang bumaba! Baka kung ano pang gawin niya sa ‘kin dito lalo pa’t mukhang kami lang dalawa ang tao rito ngayon!
“Wait!”
Mas binilisan ko ang lakad ko habang narinig ko naman ang yabag niya habang hinahabol ako. Patakbo na sana ako nang pigilan niya ‘ko gamit ang paghatak sa bag ko. Dahil sa ginawa niya ay narinig ko ang pagkapunit ng bag ko.
What the hell?!
Nagtagumpay siya sa pagpapatigil sa ‘kin dahil sa nangyari. Nahulog ang panga ko bago mabilis na ini-check ang bag ko.
Bag ko pa since grade 11 ang gamit kong bag ngayon. Matibay at ayos pa naman kaya para makatipid, ito pa rin ang gamit ko imbis na magpabili pa kay Mama. Ang kaso, waknit na siya ngayon! Parang gusto kong maiyak sa sinapit ng bag ko.
“Anong ginawa mo?!” asik ko sa lalaki na mukhang gulat din sa nangyari.
Napunit ang bag ko at hindi ko alam kung paano maayos ‘to ngayon. Wala akong extrang bag sa locker at ayaw ko naming bumalik sa bahay dahil baka ma-late na naman ako sa first class ko.
“I d-didn’t—I mean, it’s an accident. I’m sorry!” aniya habang dinaluhan ako. Balak niya sanang hawakan ang nasira kong bang pero’y tinitigan ko siya nang masama.
“Pa’no na ngayon?!”
“I have a spare bag in my locker. You can use it!” suhestyon niya. bahagya namang nabawasan ang talim ng tingin ko.
Kung paiiralin ko ang pride ko, wala akong mapapala. At dapat lang naman na palitan niya ang bag ko dahil siya naman ang nakasira.
Tinitigan ko siya sandali habang ang mata niya’y naninimbang.
Ngayon ko lang narealize na gwapo rin pala siya. Kahit blue ang mata niya’y mukha pa rin siyang Asian dahil sa singkit ang mata niya. Mas soft ang features niya compared kay Phoebus. Kahit gano’n, gwapo pa rin. Mas maputi rin siya kay Phoebus base sa pagkakatanda ko. Kaya lang, mas magkalapit ang height namin. Matangkad kasi talaga si Phoebus baby ko.
“Let’s go.” Napaawang ang labi ko nang hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at hinatak na ko papunta sa locker niya.
“Ano ba?!” angal ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Kaya kong maglakad mag-isa!”
“Sungit!” puna niya bago umiling at nagpatiuna. Inambahan ko naman siya habang hindi siya nakatingin.
Crush mo lang ako eh!
INIWASAN kong mamangha sa bag na hawak ko ngayon. Nandito kami ngayon sa locker ng lalaking nakasira ng bag ko. Akala ko naman ay gamit na bag na ang tinutukoy nito pero hindi pala! Brand new! At may price tag pa! Sikat ang tatak ng bag kaya tumatagingting ang presyo. Kulay gray ito na may kaunting blue kaya naman hindi masyadong halatang panglalaki.
“Bago ‘to ah? Ipagagamit mo sa ‘kin?” tanong ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay.
“Sa ‘yo na lang. Pamalit sa bag na nasira ko.” Nahiya ako bigla sa sinabi niya.
Alam ko namang matibay talaga ang bag kong nasira. Pero matagal na rin kasi ‘yon! Nakakahiya kasi mahal at bagong bag pa ang ibibigay niya sa ‘kin.
“Nakakahiya naman,” sabi ko. “Seryoso talaga? Wala nang bawian ah!”
Sayang din ‘to kapag binawi niya pa. P’wede ko na ‘tong magamit sa susunod pang taon!
Bahagya siyang tumawa at tumango. “By the way, Mikaia right?” Tumango ako nang hindi siya tinitigan dahil nagsisimula na ‘kong ilipat ang gamit ko. “Can we be friends? Gusto ko kasi ang ugali mo.”
Mabilis akong natigilan sa ginagawa at tinignan siya gamit ang mapanghusgang tingin. Pagkatapos ay nilapag ko sandali ang bigay niyang bag. “Sabi na nga ba eh. Sinad’ya mo lahat ng ‘to ‘no? Sinad’ya mong sirain ang bag ko para bigyan mo ‘ko ng bag dahil sa crush mo ko! P’wes sorry kasi si Phoebus ang gusto ko.”
Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. “Oh kitams? Sabi ko na eh!”
Dear Phoebus,
Gusto ako ng kaibigan mo. ‘Di mo ba ‘ko babakuran?
Bumulusok na naman sa tawa ang kaibigan ni Phoebus na animo’y nagjoke ako.
Asus. Palusot para kunwari hindi napahiya dahil busted!
Confident pa ‘ko no’ng una pero unti-unti ay nahiya ako dahil sa tagal ng tawa niya na para bang nakakatawa talaga ang sinabi ko.
“Gusto lang makipagkaibigan, gusto kaagad? Ibang klase talaga!” sambit niya bago muling tumawa.
“Eh bakit mo naman ako bibigyan ng ganito kamahal na bag kung ‘di mo ‘ko gusto?”
“Kasi nga nasira ko ‘yang bag mo. Is it my fault if my spare bag is expensive? Nagkataon lang ‘yan.”
“Sure? Wala ka talagang gusto sa ‘kin?” pahabol ko dahil kahit naman hindi ko siya gusto, parang bumaba pa rin ang confidence kong kanina ay pagkataas-taas. Umiling siya habang nakangisi na ikinanguso ko.
False alarm, gorl. Pahiya ka.
Natahimik kami bigla bago ko siya tinanong ulit. “Bakit gusto mong makipagkaibigan sa ‘kin? Kulang ka ba sa aruga?”
Kinailangan niya pang kagatin ang labi niya para lang magpigil ng tawa. “I just want to have a girl friend again. My past girl friends have fell for me and I don’t like that. I know that you’re into Asher so I’m pretty sure, you won’t have feelings for me. Isa pa, you’re really funny.”
Nginiwian ko siya. “Yabang! Sa mukhang ‘yan, nahulog sa ‘yo lahat ng kaibigan mong babae? ‘Di nga?”
“See? That’s the reason why I want you as my friend. Isa pa, gusto mong mapalapit kay Asher, ‘di ba? I’ll help you with that if you’ll be my friend—“
“Tropa! Salamat sa bag ah! Ayos ka talaga!” Mabilis ko siyang nginitian at inakbayan. Kaibigan ko na siya! Kailangan ko siyang maging kaibigan kasi magagamit ko siya.
Napahalakhak ulit siya. Sa sobrang lakas ng halakhak niya’y nag-echo ito sa hallway.
MALAKI ang naging tulong nang nangyari kanina na naging kaibigan ko ang co-member n Phoebus na Neon pala ang pangalan. Unang-una, may matatanong na ‘ko ng tungkol kay Phoebus. Pangalawa, p’wede ko siyang pagkakitaan. Marami rin kasi ang may gusto sa kanya at p’wede kong ibenta ang mga facts tungkol sa kanya kapag tuluyan na nga kaming naging close. Pangatlo, gusto ko rin namang magkaroon ng kaibigang lalaki. ‘Yong pure friendship lang din gaya ng hanap niya. Lastly, may dahilan na ‘ko para pumunta sa room nila! Tamang-tama dahil ang sabi niya kanina, magkaklase raw sila ni Phoebus sa lahat ng subject.
Ngayon, vacant time ko at nagpaassignment lang ang Prof. namin. Kaya naman kasalukuyan ako ngayong papunta sa room nila Neon. Kunwari’y siya ang pinunta ko pero ang totoo, gagawin ko na ang third bullet kay Phoebus.
Noong nakarating na ‘ko sa labas ng room niya, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Dapat ay fresh bago humarap kay baby Phoebus. Wala akong liptint kaya naman kinagat-kagat ko na lang ang labi ko para mamula ng kaunti. May ilang dumaan na nakakita sa pagkatrying hard kong papulahin ang labi. Ang tinginan nila’y halatang-halata na pinaghihinalaan nila akong baliw. Tsk. Nginiwian ko na lang siya at hindi pinansin.
Noong tingin ko’y ready na ‘ko, dumungaw na ‘ko sa pintuan niya. napanguso ako nang mapansing kaunti na lang ang tao. Isa pa, wala si Phoebus!
“Mikaia! You came!” Dinaluhan kaagad ako ni Neon nang makitang nakasungaw ako sa pintuan ng classroom sa isang subject, hinahanap si Phoebus.
“Nasa’n si Phoebus? Akala ko ba, magkaklase kayo?” bungad ko sa kanya.
“Our Prof. is absent so he went out, like my other classmates did. I wanna go outside too but I thought, you might come here so I stayed. Ite-text ko sana sa ‘yo kung nasaan si Asher pero wala ako ng number mo,” paliwanag niya na siyang ikinasimangot ko.
“Nasa’n siya ngayon?” Ano ba ‘yan! Akala ko pa naman ay maisasakatuparan ko na ang third bullet!
“He went outside. I don’t know where did he go—“
Nakarinig kami ng tilian sa ibaba ng building at nagmamadali ko naman ‘yong tinignan. Malakas kasi ang kutob ko sa mga tilian na gan’yan eh. Parang narinig ko na noong nakaraang araw!
Tumakbo ako palabas ng room nila at sumungaw sa railings. Doon ko nakumpirmang tama nga ang hinala ko. Nangingibabaw si Phoebus sa gitna ng mga babae habang may binabasang bondpapers. Mukha siyang masipag na mag-aaral dahil sa ayos niya ngayon!
I don’t know kung napapansin niya ba pero halatang sinusundan siya ng maraming babae! ‘Tong mga babaeng ‘to! Uunahan pa ‘ko!
Competitive akong tao. Sa tuwing bago sumapit ang exam at nag-story ang mga kaklase ko na nagre-review siya, mau-urge akong magreview rin. Hindi ko alam pero nakasanayan ko nang gano’n. Minsan, may advantage dahil sa ginagawa ko ang mga dapat kong gawin pero minsan ay hindi mabuti dahil mas lalong nakakatense. Ayaw kong nasa laylayan ako sa mga bagay na may magagawa pa naman ako. Mas lalong ayaw ko na hindi ako nangunguna pagdating kay Phoebus.
Sumibol ang lakas ng t***k ng puso ko at naalala ko ang nasa third bullet. Napangising aso ako na tinanggal ang aking ID lace ng Primo na kabibili ko lang kahapon. Ito na ang napagpasiyahan kong gamitin at nitapalan ko na lang ng panibagong picture ang ID picture ko. Nilagay ko ‘yung picture na nasa wallet ko.
Nakangising aso habang hinihintay ang pagdaan nila Phoebus sa may tapat sa kung nasaan kami ni Neon ay ito namang katabi ko ay napatingin na rin sa aking tinitignan.
Mahigpit kong hawak ang ID lace ko habang nanghihintay ng tamang t’yempo. Dapat ay ihagis ko ‘to sa tapat niya. 'Yong paniguradong siya talaga ang makapupulot ngunit hindi siya matatamaan.
"H-hey! What are you planning to do?" gulat na tanong ni Neon.
"Shut up! Manahimik ka na lang d'yan—" Noong iniangat ko na ang aking kamay at naghahanda nang ihulog ang lace ko pinigilan ako ni Neon.
Parang tanga naman eh. Akala ko ba ay susuportahan niya ‘ko sa kaibigan niya? Tapos ngayon naman ay pipigilan niya ‘ko? Pero walang makakapigil sa ‘kin!
Pinukulan ko siya ng nakamamatay na tingin ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko.
"Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" suway ko sa kanya ngunit hindi niya ginawa.
"Stop it, Mikaia—"
Sa sobrang frustrate ko ay sinuntok ko siya diretso sa kanyang pisngi. Nasapo niya ang kanyang mukha dahilan para mawala ang pagpigil niya sa aking kamay. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay naihulog ko rin ang lace ko sa baba.
Parang huminto ang paligid dahil sa nangyari. Lumaki ang mata ng lahat nang nakakita at natahimik lahat pati ang mga babaeng kani-kanina lang ay humahagikhik.
A-anong ginawa ko...
Namula nang husto ang mukha ni Phoebus habang pinupukulan ako ng tingin na nakamamatay. Mahigpit ang hawak ng kanyang kaliwang kamay sa ID lace ko habang ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa kanyang ulo.
Nakalimutan ko pala kasing tanggalin ang malaking susi na bigay sa akin ni Raeyoo. Celestial key 'yon ni Aquarius. Fan na fan kasi talaga ako ng Fairy Tail dati. Ngunit ngayon, ang puso ko ay na kay Phoebus na nang buong-buo. Kay Phoebus na ngayon ay mukhang may bukol nang dahil sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa sobrang kahihiyan at kaba ko dahil sa titig ng lahat ay halos masugatan ko na ang labi ko sa kakakagat nito.
Kita ko ang pagtagis ng bagang ni Phoebus sa akin habang ako ay nanginginig na.
Ano ba kasing ginawa ko!
Marahas siyang bumuntong hininga bago padarag na binato ang ID lace ko sa lupa. Naglakad siya palayo habang nakayukom ang kanyang kamay. Napayuko ako. Kumikirot ang puso dahil sa ipinakita niya sa akin na attitude.
Napadaing ako nang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Halos mapaupo ako habang sapo ang aking ulo dahil sa sakit. Narinig ko ang pagtama sa sahig ng isang metal.
"What the—" gulat na sambit ni Neon. Bago pa ako mapaupo sa sahig ay nahawakan niya na ang dalawang balikat ko.
"Y-you're bleeding, Mikaia!" nag-aalalang sambit ni Neon sa akin.
Nakayuko pa rin ko hanggang sa malasahan ko ang dugo ko dahil sa kanina ko pang kagat na labi. Napangiti ako nang mapait.
Nagawa ko naman ang third bullet 'di ba? Nahawakan niya naman ang ID ko. Sobrang tagal pa nga. At kitams? Mukhang nakatadhana talaga kami sa isa't-isa dahil pareho kaming may bukol ngayon.
Dear Phoebus,
Matchy-matchy tayo ah?