CHAPTER 27 Partner INILABAS ko ang suot kong kwintas na nakatago kanina sa ilalim ng damit ko nang makapagtago sa isang comfort room. Nakita ko na ang pink na liquid nito na halos 1/4. So ibig sabihin, nag-uumpisa pa lang ang mission? Pinilig ko na lang ulo ko bago pumikit. Sayang at hindi ko pala masasabi kay Phoebus na sabay kaming maligo. Kainis! Gusto ko pa rito sa katauhan ni Kim! Ngunit wala na akong nagawa pa noong nagliwanag na muli ang paligid. Pagdilat ko ay nakaupo na ako kaharap ang isang round table. “Manager?” Napakurap ako nang makitang may limang naggwagwapuhang lalaki na nakatingin sa akin. Wait! Hindi ako ready! My gosh! Bakit sila nakatingin?! “W-where are we?” kunwaring tanong ko na lang. Manager? So ang ibig sabihin ay nasa katauhan ako ng Manager ng Pri

