CHAPTER 28 Narinig PAGKATAPOS ng araw na ‘yon, hindi yata ako nakatulog sa kaiisip na magiging partner ko si Phoebus sa fashion show. Tadhana na yata ang naglalapit sa ‘min. Kaunting-kaunti na lang talaga, ramdam ko nang magkakaro’n na ‘ko ng jowa. “Okay. You two will be the highlight of my fashion show. So Miss Abigail will teach you two how to have chemistry,” si Miss CL. Katabi ni Miss CL si Miss Abi habang katabi ko naman ngayon si Phoebus. Kagagaling lang namin sa school at as usual, dumiretso kami rito sa Dixon Entertainment. Pero this time, may nadagdag sa gagawin namin at ito na nga ‘yon. Mag-partner talaga kami ni Phoebus sa fashion show! Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. “Okay. I’ll leave now. Abi, ikaw na muna ang bahala sa dalawa.” Bago lumabas si Miss CL

