CHAPTER 24 Stress “MIKAIA!” Naputol ang yakapan namin ni Phoebus baby nang may pagalit na tumawag sa ‘kin. Sabay kaming napalingon ni Phoebus dahil do’n. Sino ba ‘yang epal— Napatalon ang puso ko nang makita ang galit kong pinsang si Raeyoo habang nakatingin sa ‘min. Oh my! Nakita niya kami?! Bakit nandito si Raeyoo? Wala naman siyang class ah? Tuluyan na ‘kong humakbang palayo kay Phoebus at nilingon ang pinsan ko. Patay ako talaga kapag nagsumbong ‘tong si Raeyoo kay Mama! Baka sabihin niya, nakikipaglandian lang ako rito! “Aia…” Natigilan ako nang may banggiting pangalan si Phoebus. Sandaling hindi ako nakahinga dahil do’n. B-bakit niya ‘ko tinawag na Aia? Lilingunin ko pa sana si Phoebus pero mabilis na ‘kong hinatak ni Raerae pababa ng stage. “Umuwi na tayo!” galit na utos

