CHAPTER 23 Hug “TEACH me how you do it.” Gumilid si Phoebus at humalukipkip habang ang buong atensyon ay nasa akin na. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Okay ito na! Tumango ako nang hindi makatingin sa kanya bago sumayaw nang walang music. May dance steps kasi sa chorus na tatalon then i-slide pagilid. Mayro’n ding pagbabaliktarin ang puwesto ng paa then iikot. Ang dami pang krumping. ‘Yon na nga ang ginawa ko. Tinodo ko ang galaw para magpasikat kay Phoebus. Pero hindi naman ‘yung todo na ang OA na tingnan. Ginawa ko ay ‘yong may kaunting kapabebehan para na rin humarot nang slight. “G-gano’n. Kailangan pagka-boom chak, boom boom chak, isabay mo ‘yung kamay mo,” pag-e-explain ko nang may kasamang sounds kuno. Sinayaw ko ulit ‘yung part na nahihirapan siya habang kinakanta ang

