CHAPTER 22 Fourth bullet MAGANDA ang naging simula ng araw ko, kinabukasan. Bukod kasi sa ngayon ang start ng pagtuturo ko kay Phoebus, wala rin akong training sa Dixon Entertainment dahil sa sabado ngayon. Mga alas dos na ‘kong nakatulog kagabi pero maaga pa rin akong nagising ngayon. Naunahan ko pa nga ‘yon alarm clock eh. Excited na kasi akong i-text ulit si Phoebus! Kaya naman ako napuyat ay dahil sa kahahanap ng mga iba pang parte ng pinunit kong list. Ang tanga ko naman kasi! Hindi ko inisip na baka kailangan ko pa ‘yon. Hindi ko na tuloy nahanap pa ang mga piraso. Tanging ginawa ko na lang ay alalahanin ang mga nakasulat. ‘Tsaka ako lang din naman ang nagsulat no’n kaya okay lang siguro na mabago. As of now, ang tandang-tanda ko ay ang fourth bullet. ‘Mapapatid ako at masas

