CHAPTER 21 Hourglass “OKAY then. Teach me.” Para akong nakarinig ng pag-awit ng mga anghel sa langit dahil sa sinabi ni Phoebus. Kaagad naman nawala sa mukha ko ang lungkot at napalitan ng ngiti. “Talaga? True ba ‘yan? Hindi ba ‘yan prank?” sunod-sunod na tanong ko. Napapalakpak pa ‘ko ng dalawang beses habang hinihintay ang assurance niya. “Let’s go and fix your wound,” pag-iignora niya sa tanong ko at hinatak na ‘ko pabalik sa apartment niya. Ako naman ay kilig na kilig habang tinitingnan ang manipis kong braso na hawak-hawak niya. Ang lambot ng kamay niya! Hiyang-hiya sa palad ko! Kita rin ang difference ng kulay namin dahil medyo morena ako. Ayos lang naman. Parang dream come true ‘to para sa ‘kin! Gusto ko tuloy hilingin na sana, lumayo pa ang bahay nila. Okay lang pala na n

