CHAPTER 20 Teach "AIA?" Nataranta ako bigla. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya 'ko bilang 'Aia'! Akala ko, hindi maaapektuhan ang present! Anong gagawin ko?! Sa natatandaan ko, ang sabi ng angel, bawal daw may mabago sa present! Ngayon, may nabago na nga! Ang harot kasi eh! Dahil sa takot na baka may mangyaring masama, kaagad akong nagdesisyon nang hindi nag-iisip. "S-sinong Aia? Si Mikaia 'to, Phoebus." Tama kaya 'yong sinabi ko? Hindi niya ba nahalatang nagsinungaling ako? Paktay talaga ako nito sa angel na walang pangalan! "Why are you here?!" Nangunot ang noo niya at kaagad kong naramdaman ang pagbabago ng mood niya. Mas lalo akong kinabahan do'n. Mali ba ang sinabi ko? "P-Phoebus, wait. Let me e-explain," natatarantang awat ko sa kanya nang patayo na sana siya. "How did

