CHAPTER 19 Apekto KUMARIPAS ako ng takbo palabas ng school. Kaso, hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng Aistone University, may humaklit na ng braso ko. Mabilis akong napalingon sa likod ko dahil do’n. “Where are you going?” natatarantang tanong ni Neon sa ‘kin habang hinihingal. “Bobo ka ba? Malamang ay hahanapin ko si Phoebus!” naiiritang sagot ko at sinubukang kalasin ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Then I’ll come with you!” aniya na bahagya kong ikinagulat. Sa huli’y hindi na ‘ko umangal pa. “Bahala ka!” At nag-cut nga kami ng classes namin. Dali-dali naming tinakbo ang parking lot ng school para kunin ang motor ni Neon. May silbi rin pala siya kahit papaano. Balak ko sanang maglakad lang eh. “Hop on!” nagmamadaling utos niya na kaagad ko namang ginawa pagkatapos

