CHAPTER 12 Fighting SABAY kaming napatumba ng angel na walang pangalan sa kama ko matapos ko siyang dambahin sa sobrang saya! "Thank you so much, angel na walang pangalan!" sigaw ko sa sobrang tuwa. Napangiwi naman siya habang nagpupumilit na makaalis sa yakap ko. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Nakasama ko ang dating si Phoebus! Ang saya-saya! "Hey! Ano ba?! You're so mabigat! My gosh!" "Hulog ka ng laptop! Kaibigan ka talagang tunay!" nasabi ko pa. "Tama na ang drama, girl. Hindi kaya ako ang may gawa no’n. Ikaw, like duh! 'Di ba I already told you na kapag nasanay ka na ay ikaw na mismo ang susundin ng kwintas?" Tuluyan na siyang nawala sa aking yakap. Bahagya niya pang pinagpag ang naging gusot sa damit niya. Napaismid tuloy ako. Ang arte talaga ng angel na

