CHAPTER 10 Hinala “PLEASE, Rae. Sana, ‘wag muna ‘tong makaabot kay Mama. T’yak na pagagalitan ako no’n eh. Please!” pagmamakaawa ko kay Raeyoo bago sana umalis ng bahay. Nakapagpasya na ‘ko kagabi na tatanggapin ko ang offer ni Miss CL. Sa katunayan nga ay nakabihis na ‘ko ngayon at nakasuot ng isang oversized black na shirt at isang skirt na kulay pastel pink. Pinaresan ko ‘yon ng iconic socks na kulay baby pink at converse shoes. Kinulot ko naman ang dulo ng buhok ko habang nakapusod ang parte kung nasaan ang bangs ko. Handang-handa na ‘kong umalis at naghihintay na rin ang magsusundo sa ‘kin na pinadala ni Miss CL. Kailangan ko na lang talaga ay ang pagpayag ni Raeyoo. “Legit ba talaga ‘yan, Mikmik? Baka naman kasi mapahamak ka r’yan!” aniya gamit ang malambing niyang boses.

