CHAPTER 9 Madugo HANGGANG sa makauwi ako, panay pa rin ang titig ko sa business card na bigay sa ‘kin ng isang sikat na designer. Kahit nga sa jeep, hindi ko mapigilang mangiti mag-isa. Mukhang na-weirdo-han tuloy sa ‘kin ang katapat kong babae sa jeep. Nang nakauwi na ‘ko sa bahay, naisipan kong hindi na muna ibalita kay Mama ang nangyari. I’m sure kasi, kahit na ipaliwanag ko sa kanya na legit at sikat na designer ang nag-aalok sa ‘kin ay hindi niya ‘ko papayagan. “Hindi ah! Hindi kami ang may gawa niyan,” sagot ng angel nangtanungin ko siya about sa designer. Baka kasi sila na naman ang may pakana. Ayaw ko naman ng gano’n. ‘Yong may makakapansin lang sa talent ko dahil sa mahika. So ibig pala talagang sabihin nito, nagandahan talaga siya sa pagdadala ko ng damit?! Oh my! “Look!

