CHAPTER 8 Model "'YON BA ang sinasabi mong hindi dapat mabago?! My gosh naman angel na walang pangalan! Paano kung hindi ako dinala ro'n ng kwintas?" asik ko sa angel matapos kong makabalik. Hindi naman ako nagulat na nakabalik kaagad ako kahit hindi pa tapos ang unang mission. Aniya rin kasi na ang kwintas ang magdedesisyon nang kung kailan ako makakabalik sa oras ko at kung kailan din ako magta-trabaho. "Easy-han mo, Mikaia. 'Yan nga ang purpose ng kwintas eh. 'Yan din ang purpose kung bakit matatalinong tao ang kinukuha namin para maging matchmaker," aniya habang pinaglalaruan ang kanyang kuko at nakade-kwatrong nakaupo sa gilid ng aking kama. "So, kung ganoon... maaaring ako rin 'yung ibang nakita ko noong nakaraang buwan?" mas mahinahon ko nang tanong. Kasi naman, dapat ay ipal

